Chapter 4

360 6 0
                                    

Trishka.

Andito ako ngayon sa aking opisina sa bahay. Yes kahit papaano ay may space parin ako. Pinipirmahan ko ang mga papeles na kailangan na bukas para sa kompaniya.

Nahagip ng paningin ko si Atlas, 7-years old na kapatid ni Arriane. May sakit ito sa puso kaya mahina ang katawan nito at bawal magpuyat.

"Why are you still awake?" aniko

Lumapit ito sa lalagyan ng mga vase.
"Hindi pa ako inaantok." walang galang na saad nito. Sinisipat nito ang mga vase, yan ang isa sa hilig niya ang pag aralan ang mga bagay bagay kahit maliit pa ito.

Napailing nalang ako sa inasal nito at ibinalik ang tingin sa aking laptop at mga papeles, maya't maya ay sinisilip ko si Atlas kong anong ginagawa niya, sinilip ko ulit siya at nakita kong nilalambitinan niya na ang lalagyan ng mga vase! Baka bumagsak!

"Atlas, bumaba ka diyan baka mahulog ang mga yan!" pasigaw na ani ko dahil sa takot at pangamba.

"Ate, hindi ako makababa." aniya

Mahina akong napamura ng makita kong malapit ng bumagsak ang mga vase kaya dali dali akong lumapit dito at hinarang nag katawan ko para hindi ito tuluyang bumagsak.

"Umalis kana!" sigaw ko kay Atlas dahil hindi ko na kayang pigilan ang pagbagsak nito.

"No, ate gusto ko dito." kampanteng sabi nito na nasa ilalim ko, wala na akong choice. Tinulak ko ito banda sa pinto ko at agad itong napahiga kasabay no'n ang pagbagsak ng mga vase.

Napangiti ako ng makitang safe siya at ako naman ang nadaganan.

"You i hate you, you hurt me." umiiyak na sigaw nito.

"What's happening here?!" nakita ko si Mommy at tinulungan si Atlas na makatayo pagkatapos ay nilapitan ako, napangiti ako dahil tutulungan niya ako, nagkamali ako. Ubod ng lakas na sinampal niya ako ng dalawang beses.

"anong ginawa mo kay Atlas, alam mo namang mahina ang katawan niya diba?! Bakit mo siya itinulak?" sigaw ni Mommy.

Tinawagan nito ang family doctor namin at pinagamot si Atlas. Nang ako nalang mag isa sa office ay unti unti akong bumangon ngunit agad ding napahiga ulit ng maramdamang may masakit sa aking tiyan. Malaking bubog ang nakatusok sa tiyan ko at malakas ang tagas ng dugo dito. Ngayon kolang naramdaman ang hapdi sa aking tiyan. Kinuha ko ang towel sa gilid ko at sinalpak sa bunganga ko. Pumunit ako ng tela sa laylayan ng damit ko, at unti unti kong hinila ang malaking bubog sa aking tiyan.

Sumigaw ako ng walang ingay, habang humahagolgol ng walang lakas, walang makakarinig at walang makakapansin. Unti unti akong inaantok dahil sa sakit at inaasahan kong pupunta dito ang doktor at gagamutin ako.

Napamulat ako ng mata at iginala ang aking paningin, napangiti ako ng mapait dahil kung anong ayos ko kanina. Ganoon parin hanggang ngayon, hindi ba aila nag-aalala sa akin? Hindi ba ako mahalaga sa kanina? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now