Chapter 15

320 4 0
                                    

Trishka.

Birthday mo?!" Gulat na sabi nito

Nasasaktan ako kase hindi ba niya naalala siya yung inaasahan kong kasama ko pero hindi rin niya pala alam. Well, sino ba naman ako sa buhay niya?

"Oo, birthday ko ngayon. Ang ganda ng regalo divorce papers pa talaga. Huh? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang. Kailangan ngayon pa?!" Sigaw ko dito

Malamig lang itong nakatingin saakin habang naglalabas ako ng sama ng loob. Habang si ate naman ay parang natutuwa pa sa nakikita niya.

"I don't care. Just sign the papers." He coldly said to me.

Pinirmahan ko ang divorce papers habang tumutulo ang luha ko kaya nababasa ito. Pagkatapos ko itong pirmahan ay ihinagis ko ito sa pagmumukha niya pero parang wala lang 'yon sa kaniya.

"Finally, Love. Malaya na tayo." Masayang saad ni ate na para bang ako ang dahilan kung bakit hindi sila magsama.

Ang kapal ng muha niya. Pero kapatid ko. Eh. Ayokong saktan siya kase mahal ko, kaya kong magpaubaya pero ang sakit. Ang sakit sakit. Pero handa akong magpaubaya kasi ako naman talaga ang may kasalan kung bakit naghiwalay sila. Ako ang mali, ako nalang lagi.

Patakbo akong umakyat sa kwarto ko habang umiiyak. Kinuha ko ang maleta sa itaas ng cabinet at binuksan ito, sunod ay binuksan ko ang closet ko at kinuha ang mga damit ko at inilagay sa maleta. Ang sakit ngayon ng puso ko parang sinasaksak ng ilang milyong kutsilyo, ginawa ko naman lahat para mahalin niya rin ako, pero. I guess, hindi talaga sapat 'yon para malimutan niya si ate, hindi naman siya ganiyan dati ang caring niya saakin pero simula ng makilala niya si ate, he became cold.

Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa sala kung nasaan sila. Muli ay lumapit ako kay Lazarus at lumuhod.

"Ako ang piliin mo, pasasayahin kita. Gagawin ko lahat ng gusto mo!" Saad ko

"Hinding hindi kita mamahalin! Triska." aniya
"Please, asawa mo ako Lazarus, piliin mo naman ako kahit isang beses." aniko habang umiiyak
"Si Arriane lang ang mahal ko at hindi ikaw!" Malamig na sigaw nito ngunit bakas ang galit s amga mata nito.
"O sige, papalayain na kita kung yan ang gusto mo. Sana maging masaya ka sa desisyon mo, sana masaya ka na wala ako. Ingatan mo yung kapatid ko. Pero ito ang tatandaan mo kapag nalaman mo ang totoo at magmakaawa kang bumalik ako sayo. Hinding hindi kita tatanggapin!" Sabi ko at umalis ng aming bahay.
Muli akong lumingon sa bahay kung saan ko naranasan maging asawa ni Lazarus ngunit hindi ko matawag na asawa.

Pagod na ako, let me die.



ktcandy

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now