Chapter 24

364 4 1
                                    

"Ako at ang ate mo ay hindi naging mag karelasyon."

"Ako at ang ate mo ay hindi naging mag karelasyon."

"Ako at ang ate mo ay hindi naging mag karelasyon."

Ang mga salitang 'yan ang paulit-ulit na nag e-echo sa isip ko. Imposible! Nakita ko silang sweet sa isa't isa, nagtatawanan, naghahalikan.

Kalma self, baka niloloko kalang niya ulit!

Paano niya nasasabi ang lahat ng bagay na 'yon saakin? Sinaktan niya ako at hinding-hindi ako makakapayag na makilala siya ng anak ko!

"Kain kana, Trish. Kanina kapa tulala," Napatingin ako sa dalang pagkain ni Angelie, isang putahe sa sikat na resto.

Tinanggap ko ito at inilagay sa lamesa sa harapan ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Iniisip mo parin ba 'yung tatay ng anak mo?" Angelie asked, i looked at her. She's so beautiful. She can even pass in modelling.

Tumango ako. "Hindi ko kasi siya maintindihan. Pagkatapos ng panloloko nila sa akin ng ate ko, sasabihin niyang wala silang relasyon!"

Angelie tapped my back. "Pakinggan mo muna ang mga paliwanag niya, bago ka magalit sa kaniya,"

Napatitig ako sa kaniya, bakit parang kinakampihan niya  pa si Lazarus? Sino kaba talaga, Angelie?

Nakilala ko lang si Angelie matapos kong manganak sa Madrid. Naghahanap ako 'non ng trabaho dahil ayokong maging pabigat ka'y Jaxwell kaya ayun. Nakita niya ako sa labas ng kompaniyang pinag aaplyan ko. At dun niya ako na discover matapos kong malaman na isa siyang talent manager.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko dahil sa kaniya!" Saad ko at nakita kong parang may lungkot sa mga mata niya.

Mapait siyang napangiti. "Maniwala ka sa hindi alam ko 'yung pakiramdam ng hindi ka mahal nang mahal mo,"

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?" Takang tanong ko sa kaniya.

Nagsiaimula ng magtubig ang mga mata niya. "May lalaki akong gusto noon, lagi niyang pinaparamdam sa'akin na importante ako na espesyal ako! Kaya naman nahulog ako sa kaniya at mas lalo pa akong nasayahan ng malaman kong balak pa kaming ikasal ng mga magulang namin. Nung nalaman niya 'yon ay nagalit siya sa akin." Umiiyak soya habang nagk-kwento.

H-hindi ko alam na may masakit pala siyang nakaraan, mabait si Angelie at ilang taon ko narin siyang nakakasama.

"I-i'm sorry," paumanhin ko.

Tumayo siya at naglakad palabas pero bago siya lumabas ng pintuan ay tumingin ulit siya sa'kin.

"Don't judge people without knowing their reasons."


_missteary

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now