Ilang taon na ang lumipas at nagkabalikan ulit kaming dalawa. Sobrang saya ko kasi lahat ng hirap at sakit ay natapos na. Yung mga sakit ng kahapon ay naibaon na namin sa limot.
Kinasal kami ulit ni Lazarus. This time pareho na naming ginusto ang kasal, wala nang magsasakitan, wala nang mag iiwanan.
"Ahhhh!" sigaw ko ng maramdaman ko ang matinding sakit sa aking tiyan.
"Lazarus, manganganak na ako!" sigaw ko ulit.
Huminga ako ng malalim at pilit na kumakalma. Tangina.
Bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ang asawa kong halata sa mukha ang pag-aalala. Nakita kong namutla ang mukha niya ng makita ang sitwasyon ko.
"Baby!" gulat na sambit niya.
Agad niya akong kinarga pababa at kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan at nagmaneho na parating sa ospital.
"Help! My wife!" sigaw niya at ako'y binuhat at agad namang may lumabas na mga nurse na may dala dalang stretcher.
Nagulat ako nang ibaba niya ako sa labas ng ospital at dali-dali siyang sumakay sa stretcher. "Bilisan niyo na po! Manganganak na po ang asawa ko!" Sigaw niya habang nakahiga siya stretcher at pilit na sinasabi sa nurse na dalhin na ako sa loob ng ospital.
Parang gusto kong sabunutan, sampalin, patayin, katayin si Lazarus dahil sa ginagawa niya. Pinilit kong lumakad papalapit sa stretcher kung nasaan si Lazarus ngayon at sinampal siya ng malakas.
Gulat na gulat naman si Lazarus sa ginagawa ko. "Tanginamo! Bakit ikaw ang nakahiga riyan imbes na ako!" Galit na galit kong sigaw sa kaniya.
Agad naman siyang natauhan at mabilis na bumaba sa stretcher.
Agad niya naman akong binuhat at nilagay sa stretcher nang makitang malapit na talaga akong manganak.
Ilang oras nang matapos ako sa panganganak at hawak-hawak ni Lazarus ang anak niya at sumisinghot singhot pa.
"Thankyou for giving me this beautiful gift, Baby." Sabi ni Lazarus.
Ngumiti naman ako at agad na nakatulog ng may ngiti sa labi.
The End.
_missteary
![](https://img.wattpad.com/cover/309722071-288-k392869.jpg)
YOU ARE READING
Unwanted Wife
RomanceMahal kita kahit ang sakit na - Trishka. Crdts: PHOTO NOT MINE!