NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hinihintay si Lazarus sa kaniyang opisina. Hindi ako mapakali, paano kung galit siya? Paano kung kuhain niya ang anak ko?Sa isiping 'yon ay tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Its him, Lazarus.
"Why are you crying?!" Pasigaw na tanong niya sa akin. At humiwalay sa aming yakap.
"W-wag, please...wag mong kuhain sa akin ang anak ko!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.
"What the fuck!" Eksahederang sigaw niya.
"Hindi, hindi ko kukuhain ang anak NATIN."
May diin ang pagkakasabi niya.Hinawakan niya ang mukha ko at tinignan ako. "Gusto ko lang ng kauntin paliwanag. Baby!" Sabi niya.
"Tinago ko siya sa'yo dahil alam kong ayaw mong magkaanak sa akin! Na ayaw mong ako ang nanay ng mga anak mo!" Sigaw ko sa kaniya.
"Gusto ko rin ng paliwanag mo! Kung bakit mo ako sinaktan noon! Andami kong pinagdaanan, Lazarus. Bago ko marating kung anong meron ako ngayon. Lahat na ginawa ko! Nagtrabaho ako sa bar kahit buntis ako. Lahat, para lang mabuhay ang anak ko! Kaya sabihin mo, nasaan ka nung mga panahon na 'yon? Nasaan ka nung kailangan kita?!" Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Yung mga sakit na kinalimutan ko ilang taon ng nakakalipas ay bumalik.
He froze. "I'm s-sorry!" Umiiyak na rin ngayon.
"I-i had a....cancer b-before," pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko, namimilipit sa sakit ang puso ko dahil sa gulat,sakit, at pagsisisi.
"Nung mga panahon na kasal tayong dalawa, 'yon ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Yung magising ako na makikita ka tuwing umaga. Yung sa tuwing aalagan mo ako. Napakasaya ko nung mga araw na 'yon, lalo na nung sinabi mo sa aking buntis ka para akong tanga na paulit-ulit na kinukwento sa mga kaibigan ko na magiging tatay na ako." Nakangiti at umiiyak siya habang nagsasabi sa akin na parang isang nagsusumbong na bata.
Hindi ko napigilan na yakapin siya. "I-im sorry...im sorry...sana sinabi mo sa akin para sabay tayong lumabang dalawa, ano 'yon habang nahihirapan ka tapos ako kinagagalitan ka?!" Umiiyak kong sabi.
Pakiramdam ko hindi kona kayang huminga dahil parang may nakabarang kung ano sa aking dibdib.
Ilang minuto pa kaming nag-iyakan bago niya hawakan ang mukha ko.
"Kwentuhan mo ako tungkol sa kaniya," sabi niya at tumango-tango naman ako.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at nakita ko ang anak namin na tumatakbo papalapit sa amin.
"P-papa," my son said.
Tumingin ako kay Lazarus at nakita ko ang nabubuong luha sa mga mata niya at pula na rin ito. Tumingin siya sa akin at tinanguan ko siya.
Dali-dali niyang nilapitan si Lazaro at niyakap at doon ko nasaksihan an unang yakap ng mag-ama.
@_missteary
YOU ARE READING
Unwanted Wife
RomanceMahal kita kahit ang sakit na - Trishka. Crdts: PHOTO NOT MINE!