Chapter 14

335 3 0
                                    

Trishka.

It's my birthday today, August 09. Masayang-masaya ako dahil sa wakas ay 25 years old na ako at nadagdagan na naman ang edad ko. Hihihi. Balak ko sanang mag handa kahit kaunti lang at magkaroon ng salo-salo, kahit kaming pamilya lang. Pamilya?

It's 6 pm now.

Kaya nagpunta ako sa mall at nag- grocery. Pagkatapos kong bumili ng mga sangkap ay nagluto ako ng iba't-ibang putahe, meron din syempreng shanghai, pancit, kaldereta, adobo, and many more. Meron din akong biniling cake. Exited na ako. Pagkatapos kong maghanda ay tinawagan kona sila mom at dad. Pinapatay nila ang tawag ko ngunit hindi ako sumuko, hanggang sa sagutin nila ito.

10 pm ako natapos magluto ng lahat.

"Ano na naman?!" Paunang bungad ni Mommy.

I smiled bitterly before answering. "Hi mom, it's my birthday today. Gusto ko kayong imbitahan sa bahay simpleng dinner lang." I said.

"No, hindi ako pwede ngayon. May usapan kami ng mga kumare ko." Aniya

"Saglit, lang nam—" hindi kona natapos pa ang sasabihin ko ng patayin nito ang tawag. Haysst.

So, si Lazarus nalang ang makakasama ko sa birthday ko. How sad. I check the time and it's already 11:30 pm ang bilis naman ng oras. 30 minutes nalang at hindi kona birthday. Antagal naman ni Lazarus gabi na ah.

Maya-maya ay nakarinig ako ng busina sa labas ng bahay tanda na nariyan na ang asawa ko. Masaya kong binuksan ang pintuan ngunit agad ding nalungkot ng makita kong kasama nito si Ate Arriane.

"Lazarus, anong ginagawa ni ate dito?" Tanong ko na hindi matago ang pait.

Ngunit imbis na sagutin nito ang tanong ko ay may inihagis ito saakin na brown envelope. Agad ko iyong binuksan at naiyak sa nakita ko, bakit ngayon pa kung kailan birthday ko pa. "Let's Divorce, hindi ko na kayang magtiis sa'yo." Malamig na ani nito. "Sign that, now!" Pasigaw na ani nito.

"B-bakit, ngayon pa. Birthday ko ngayon. Lazarus, pwedeng bukas na lang." Ani ko habang umiiyak.

Nakita kong natigilan ito ngunit agad ding bumalik ang pagiging malamig ng mga mata nito.

"Birthday mo?!" Gulat na saad nito.




ktcandy

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now