HINDI parin ako makapaniwala na nagawa namin yon sa loob ng sinehan. God.
Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi parin iyon nawawala sa isipan ko at isang linggo na rin siyang hindi nagpapakita sa akin simula ng gabing 'yon.Nabalik ako sa katinuan ko ng mag-ring ang aking telepono na nasa lamesa ko. Nandito ako ngayon sa aking opisina. Tinignan ko ito at nakita ko ang pangalan ni Jaxwell sa caller's ID kaya sinagot ko ito.
"Hello," Boses agad ng anak ko ang una kong narinig.
"I miss you, baby." Saad ko rito.
"Mommy, hindi mo na ako mami-miss ulit dahi-" Hindi pa natatapos ang pagsasalita ng anak ko ng marinig ko ang boses ni jaxwell. "Shh, baby." narinig kong sabi niya sa anak ko bago mamatay ang tawag.
Napailing nalang ako dahil baka kung ano-anong kalokohan na naman ang tinuturo niya sa anak ko. Pero, nagpapasalamat ako kasi dahil sa kaniya ay maayos ang lagay namin ng baby ko dati.
Hindi ko gusto si Jaxwell at ganun din naman daw siya sa akin, magkapatid lang ang turing namin sa isa't isa lalo pa't may girlfriend na daw siya.
Bumalik sa alaala ko ang mga hirap na dinanas ko noon. Noong muntik akong makunan dahil sa sobra-sobra kong pagtatrabaho. At naisip ko, ang dami kona palang pinagdaanan at kailngan ay matatag ako at matured.
Kaya naisip ko na wag na ituloy ang paghihiganti ko kay Lazarus dahil walang maidudulot yon na maganda lalo pa't may anak na kaming dalawa, hehe.
Nalatigil ako sa pagmumuni ng may hunalik sa noo ko. "baby," he said.
Gulat akong tumingin sa kaniya dahil may mga pasa ang mukha niya. Napatayo ako dahil doon. "W-what happened to you!" I exclaimed.
Napatawa naman siya sa reaksyon ko ngunit napangiwi rin matapos kong pisilin ang mga pasa niya.
He gasp. "Damn, baby. It hurts!" He said
"Ano bang nangyari sa'yo at ganyan ang mukha mo?!"
"Nothing," he said, coldly.
"Nothing? eh, bakit puro pasa ka?!" naiiyak na ako sa sobrang inis sa kaniya. Nakakaasar siya! Matapos niyang hindi magpakita ng isang linggo, ganto ang makikita ko sa pagmumukha niya!
Nang nakita niyang paiyak na ako ay nataranta siya at marahan akong niyakap at bahagyang ipinatong ang kaniyang baba sa aking balikat.
"Don't cry, baby." Pagpapatahan niya aa akin.
"Mommy, surprise!" Parang bumagal ang ikot ng mundo ko ng marinig ko ang boses ng anak ko. Sabay kaming lumingon ni Lazarus kung saan narinig namin ang boses at nakita ko ang anak kong nakangiti habang nasa likod naman nito si jaxwell na gulat.
Lumapit sa akin ang anak ko at niyakap ang baywang ko kaya't bahagya akong umupo para magkapantay kami at mabikis ko siyang niyakap. Mabilis naman itong lumingon sa likuran ko at nagtatakbo.
"Daddy!" excited na sabi ng anak ko.
Mukhang nagulat naman si Lazarus ng magpakarga sa kaniya si Lazaro pero binuhat niya padin. Tumingin siya sa akin ng malamig pero agad ding lumambot ng
tumingin sa anak niya."Let's talk."
miss_teary
YOU ARE READING
Unwanted Wife
RomansMahal kita kahit ang sakit na - Trishka. Crdts: PHOTO NOT MINE!