Prologue

674 13 3
                                    

Nakapila ako para bayaran ang groceries nang magvibrate ang aking cellphone. I fished it out of my tote bag and immediately saw two notifications.

mrclpadilla liked your story.

mrclpadilla replied to your story.

Kumunot ang noo ko sabay click sa reply ni Third. He sent me a photo of the hallway of SM, halos kagaya ng nasa IG story ko.

jexcyest: sml?

Three dots were immediately shown as soon as the message was sent. Ang bilis talaga mag-reply ng isang 'to.

mrclpadilla: Nandito ka kanina? Saan ka na ngayon? Hindi ka nagsabi :(

Umirap ako nang may ngiti sa labi. Sadboi kunware amp. Akala mo talaga ikina-cute niya ang emoji.

jexcyest: supermarket

"Miss, ikaw na."

Nag-angat ako ng tingin at nakitang ako na pala ang sunod. Nakatitig na ang cashier sa'kin, nag-aabang. Nahihiya kong ibinaba ang cellphone para ipasok sa bag. Iniangat ko ang basket na may lamang groceries at isa-isang inilabas ang mga bibilhin. Hindi ko na isinama ang Chuckie kase lalampas na sa isang libo ang mababayaran ko. Iyong mga kailangan lang muna namin sa bahay ang inuna ko. Tatlong paperbag ang nagamit. Buti nalang nagdala ako ng sariling eco bag, ilang piso rin iyon.

Huminto ako sa may exit ng supermarket para i-check ang cellphone ko. Alam kong may reply si Third kase nag-vibrate na naman iyon kanina.

mrclpadilla: Papunta ako riyan, wait

Hindi ko na siya nireplyan. Naghintay nalang ako. Itinabi ko ang dala-dalang eco bag para hindi makasagabal sa mga dumaraan at pinagkrus ang mga braso habang nakatayo.

"Babe!"

Napalingon ako sa lakas ng sigaw. Bahagyang nanlaki ang aking mata nang makita ang nakangiting si Third. Naka-gray shirt siya, black cargo shorts, at white rubber shoes.

"Babe! I missed you!" he exclaimed before marching to me.

Huh? Ano raw?!

Before I knew it, he already had his arms wrapped around me, hugging me so tight. Napapikit pa ako nang malanghap ang kanyang bango.

Ano'ng nangyayari?

"Hoy-"

"Is she the girl you were talking about, Cial?" rinig kong tanong ng... isang babae?

Kumalas si Third at kalmadong tumabi sa'kin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ng babaeng nagsalita. The girl looked really pretty. Matangkad, payat, maputi, at mukhang mayaman.

"Oo, Glaze. She's Jexcy Ann. My girlfriend," sagot ng walanghiya.

Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang napalingon sa lalaki. I was about to lash out when I felt his hands smoothly owning mine.

"O-Oh wow! Hi, I'm Glaze. Marcial's friend,"

Ako dapat ang nagsasabi ng linyang 'yun, eh! Sa aming dalawa, siya ang mukhang date. Ako ang klarong kaibigan. Kaibigan lang!

"Jexcy," tipid kong sinabi.

Diniinan ko ang hawak sa kamay ng mokong at pasimpleng kinurot ang gilid niyon. Nang makita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng babae, alam ko na kaagad na may gusto siya kay Third.

"Uh, sige. I'll g-go ahead na. T-Take care you two."

I felt a slight pinch in my heart when I saw how Glaze's eyes moistened before turning her back on us.

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon