Chapter 20

155 9 0
                                    


"How about this, mum?"

She showed me her painting kit. It was a case full of gouache paints and brushes. Regalo ko sa kanya nung 6th birthday niya.

"It will take up so much space in our luggage, anak.  Bibili nalang tayo ng paints pagdating natin doon kung gusto mo talagang mag-paint. Is that okay?"

Binigyan niya ako ng ngiti habang tumatango.

"Okay po. We can donate it nalang."

She understands Filipino language because I made sure she does. Ikatlong lengguwahe niya 'yun. First language niya ang English. Maalam din siya sa Cantonese, which is the first language of most people here in Hong Kong. She's multilingual at the age of seven... and I'm so proud of her for that.

Tatlong araw pa naman mula ngayon ang lipad namin pero inumpisahan ko na ang pag-iimpake para hindi masyadong masakit sa ulo. Ayoko rin kaseng may makalimutan. Inuna ko munang pinuno ang pink suitcase ng anak ko bago iyong akin. 

We will stay there for good... kaya marami-raming gamit talaga ang kialangan i-pack. Ang mga gamit namang hindi namin madadala ay ido-donate namin. I have a friend who runs a charity at siya na ang bahala sa lahat ng mga 'to.

"Ma'am, ready na po ang lunch ni Vania."

Si Ate Josabelle iyong nagsalita. She was hired by Mama five years ago. Siya ang nagbantay kay Vania noong bumalik ako sa pag-aaral. At oo, tumigil ako sa pag-aaral ng isa't kalahating taon para matutukan si baby. Hindi na nga ako dapat babalik sa pag-aaral, eh. Gusto ko nalang maging full time mom kay Vania... pero napagtanto kong kailangan kong makapagtrabaho ng maayos para may maipangtustos ako sa kanya. I did not want to rely on my mother for my child's expenses forever... so I finished my studies.

I pursued my degree in accountancy at Hong Kong Polytechnic University. I graduated on time and immediately got my first job a month after my graduation. Management consultant was my first job.

Hindi naging madali ang pag-aaral ko sa PolyU. Napakataas ng standards nila kaya hirap na hirap ako sa pag-aaral. Ilang beses akong bobong-bobo sa sarili ko dahil hindi ako maka-keep up sa discussions. There was even a point when I thought I wasn't cut out for accountancy. Hating-hati pa ang oras ko dahil bukod sa hands on ako kay Vania, nagtatrabaho rin ako habang nag-aaral. Mahal ang tuition fee sa PolyU kaya kung anu-anong trabaho ang pinasok ko. Half ng tuition fee ay sagot ni Mama habang iyong kalahati ay kailangan kong pagsumikapan nang mag-isa. Naging waitress ako, barista, housekeeper, at tutor.

It was never easy... but it was all worth it. After years of shedding tears and sweats, I am now a public accountant earning enough money to support Vania on my own, send money to my grandparents, and afford our wants. I can now earn the annual tuition fee I had to pay back then in PolyU for just two months.

Namamangha rin ako sa tuwing naiisip na kinaya ko ang lahat ng 'yun. Ilang beses akong napagod... pero kailanman ay hindi ko naisipang sumuko sa pagpupursige... kase alam kong kailangan ako ni Vania.

She was my drive all these years. Sa kanya umiikot ang mundo ko... at wala akong ibang gusto sa araw-araw kundi ibigay sa kanya ang lahat ng bagay na deserve niya. Hindi ako perpekto pero sinikap ko talagang palakihin siya nang maayos... nang punong-puno ng pagmamahal...

She did not come from my womb... but I love her like my own. Hindi ko nga akalaing napakadaling magbuhos ng pagmamahal... hanggang sa dumating siya sa buhay ko. She changed me so much. She taught me how to be a good mother...

I know... it must have been so ironic to hear this from me when I mourned for everything I left in exchange for this life seven years ago. Alam kong parang imposible... pero naging mabilis para sa'king mag-comit sa responsibilidad bilang ina niya. The moment I held her in my arms, I embraced her like my own.

Growing up, I didn't have such great relationship with my mother. Iyon ang itinatak ko sa isipan ko... hindi para gayahin kundi para maging gabay. Ayoko nun... kaya hindi ko ipararanas iyon kay Vania. Lahat ng hindi ko naranasan, sinisikap kong iparanas sa kanya.

"You should eat, too, mum. I haven't seen you eat lunch."

Ayoko pa sana kaso ayokong isipin niyang ayos lang malipasan kaya tinapos ko na agad ang ginagawa para sabayan siya.

Bago kumain ay nagdasal muna kami. I always let Vania lead the prayer...

"Papa God, thank you so much for giving us delicious food today. We thank you for bringing us together in this table. Uh, thank you so much for the warmth and goodness you give us. May you continue blessing our family with your love."

"Amen." Sabay naming bigkas ni Ate Josa.

"Thank you for cooking, Mama Josa! The meatballs look so yummy!"

It was indeed very yummy. Naubos namin ang iniluto ni Ate at busog na busog kaming tatlo. Matapos kumain, ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Tinulungan ako ni Vania.

"When are we buying grandpa his gift, Mommy?" She asked while helping me wipe the dishes.

Birthday ni Lolo a day after our arrival in the Philippines. Isa sa dahilan kung bakit kami uuwi. Hindi ko pwedeng ma-miss out ang 80th birthday niya.

Vania knows him and Lola. Madalas ko silang ikinukwento sa anak ko... kaya kilala sila ni Vania kahit hindi pa sila nagkikita sa personal.

And I think this is the right time to tell them the truth and to finally introduce Vania in person. I know they have so much love to give to her... and I want my daughter to experience that before everything's too late.

"Tomorrow, baby. Help me choose, okay?" Sagot ko naman.

And she then proceeded to asking me about Lolo's wants so she can mentally take note of possible gifts. It made me happy to see her get excited to pick something for Lolo.

Bago pa mag gabi ay nag-umpisa na akong mag-ayos. May despedida party kase na hinanda ang mga kaibigan ko rito sa Hong Kong. It was arranged by my former Filipina colleague.

Late na ako ng five minutes kaya nagmadali na ako pagkatapos mag-ayos.

"Ang ganda niyo ho, Ma'am."

"Thanks, Ate."

"You look so pretty, Mommy."

Tinitigan ako ni Vania na parang gandang-ganda nga siya sa'kin. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko sa body mirror na nakadikit sa dingding namin sa living room.

I am wearing a black long sleeve velvet mini dress. It had a square cut neckline and it hugged my petite body perfectly. Mahaba na ang buhok ko ngayon at hinayaan ko lang na nakalugay iyon. It was in milk tea brown color. I am not wearing any jewelry aside from my diamond earrings. I paired my fit with black ankle strap heels. Binagay ko lang ang make-up ko sa aking suot--light eyeshadow and nude lipstick.

Makalipas ang ilang taon, masasabi ko namang nag-mature ang katawan ko kahit papaano. Natuto na'rin akong mag-ayos...

"Thank you, love. Aalis na ako. Be good. I love you,"

Marahan kong hinila ang braso niya para mayakap. I bent my knees so our eyes would level.

"I love you, my pretty Mommy. Take care."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon