Chapter 7

135 6 2
                                    

Midterm examination was very stressful. I am not aiming for the top spot in our class, but I had to study real hard because the difficulty level of the exams prepared by our teachers was no joke.

Sa mga nagdaang gabi ay nagsunog ako ng kilay at naging best friend ko ang kape. Nasa senior high pa lamang ako pero pakiramdam ko ay college na. First semester pa lang pero pakiramdam ko ay pang isang academic year na ang pagod ko.

Iba pala talaga sa senior high.

"Medyo natatakot ako sa score ko sa Earth and Life Science, babe. Hindi mo kase ako pinakopya, eh." ani Lester.

Nasa Jollibee kami ngayon. It's past 5 PM at katatapos lang ng exams namin. Katatapos lang din naming kumain, hinihintay lang namin ang additional order ni Ster. Inaya niya ako rito dahil deserve raw namin ito matapos ang nakakastress na exam week.

"Nasa harapan si Sir, babe. Nakakatakot kaya..." sagot ko.

He was trying to copy my answers earlier pero natakot ako kaya hindi ko siya hinayaan. One seat apart kami kaya masyadong obvious kung mangongopya siya. Sobra pa naman kung magbantay si Sir. Bukod pa roon, it felt so wrong to let him copy my answers.

Walang bakas ng hiya sa mukha niya nang subukang kopyahin ang mga sagot ko. Kung ako siguro 'yun, mahihiya ako kase... gusto ko siya. Syempre, matatakot akong maturn-off siya. But maybe, it wasn't really about me nor us. Maybe it was about him and his desire to pass the exams.

Pero ang sa akin lang naman, wala siyang ibang ginawa kundi gumala. Imbes na mag-aral ay kung saan-saan sila pumunta ng mga kabarkada niya. Inaya niya naman ako pero dahil nga gusto kong mag-aral ay sumama nalang siya sa mga kaibigan.

If he was indeed concerned with his grades, why didn't he take effort to understand the lessons or study even a bit?

Hindi siya gaanong seryoso sa acads niya. Iyon ang napansin ko. Hindi siya nakikinig sa discussions at tumititig lang sa akin o nakikipag-usap nang palihim sa katabi niya. At magmula noong naging kami ay halos ako nalang palagi ang pinapagawa niya ng assignments niya.

Nakakaturn-off ang side niya na 'to, sa totoo lang.

"Kainis pa ang questions. Hindi naman yata na-discuss 'yon," reklamo niya pa.

Eh hindi ka naman nakikinig kapag nagdidiscuss si Sir.

Buti nalang hindi ko naisatinig 'yon. Ayokong ma-offend siya.

"Nadiscuss naman. Kailangan lang talagang i-analyze nang maigi kase iniba-iba niya ang terms."

Nagkibit-balikat siya at magsasalita sana nang dumating ang waitress.

"Heto na po ang additional rice at sukli niyo, Sir."

I saw how annoyance crossed Lester's eyes when he saw the packed rice. Nagkasalubong ang kilay niya at matalim na tinitigan si Ate.

"Bingi ka ba, 'te? Burger 'yong sinabi ko, ah?" tanong niya, mataas ang boses.

Parang nalaglag ang puso ko sa gulat sa inasta ni Lester. Hindi ako nakapagsalita, parang tinakasan ng boses. Nakita kong nagulat, natakot, at nataranta rin si Ate. Napaatras siya nang isang beses. Nanlaki ang kanyang mga mata at napalunok.

"Uh, Sir, r-rice po ang narinig ko..."

Lagot na. Eh burger nga talaga ang sinabi ni Lester kanina.

"Tanga ka? Kung magkatunog sana ang burger at rice ay maiintindihan ko pa. Napaka-lutang." irita siyang umirap.

What... the heck?

The waitress was obviously years older than us. How could he... talk like that?

"Yan na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa magawa nang tama. Sayang ang sweldo-"

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon