I have undergone different medical tests in Ormoc Doctors' Hospital. Mag-aalas diez na'rin ng gabi natapos ang lahat ng 'yon. I honestly think those were unnecessary. Hindi nga lang ako makapag-reklamo kanina dahil hindi naman ako pinapansin ng kasama ko at paniguradong maririnig ako ng mga nurses.
"Naturukan na 'rin po ng anti-inflammatory painkiller si Ma'am, Sir. All she needs to do now is rest para ma-discharge na agad bukas."
I glanced at Third and saw him seriously listening to what the nurse was saying. Humugot siya ng malalim na hininga at tipid na nginitian ang nurse.
"Thank you po." sabay pa namin iyong nasabi.
Sinulyapan niya ako pero agad ding nag-iwas ng tingin. Nagsusuplado pa'rin talaga.
Nang makalabas ng kuwarto ang nurse ay humugot na'rin ako ng lakas para kausapin si Ikatlo. Kaya lang... alam niya yata ang lalabas sa bibig ko kaya inunahan niya na ako.
"I'll take care of the bill. Huwag kang mag-alala."
Nakaupo siya sa kalapit na couch, magkakrus ang binti at maging ang braso. Nilabanan niya ang titig ko kaya nakita ko nang husto ang mukha niya.
I couldn't even spot a hint of tiredness in his eyes. Siya ang nag-asikaso sa'kin mula pa kanina... pero mukhang hindi pa siya pagod.
"Hindi ko nga afford pero hindi ibig sabihin ay iaasa ko na naman sa'yo 'to, Third. Huhulug-hulugan ko nalang..." sabi ko.
Private room pa naman ang kinuha niya. Airconated, may couch, TV, dining, at sariling banyo.
Mas maganda pa 'to kesa sa unit ko roon sa apartment. Nakakatakot tuloy isipin kung magkano ang aabutin ng bill.
"Magpahinga ka na, Jex. Huwag mo nang problemahin. Ako na ang bahala." pag-uulit niya.
My heart stung when I heard what he just called me. Hindi pa nga talaga kami okay.
"Hindi-"
"Nagugutom ka ba? Bibilhan kita ng pagkain sa labas."
Mariin akong pumikit. Magpupumilit sana ako tungkol sa pagbabayad pero mukhang ayaw niya talagang magpatalo.
Sige. May ibang pagkakataon pa naman. Besides, wala pa nga talaga akong pambayad ngayon.
"Hindi. Ayos lang ako."
Kaya ko pa namang tiisin ang pagkalam ng sikmura.
"Sigurado ka? Ni hindi mo nga nabawasan 'yun, oh." itinuro niya ang hospital meal na nasa mesa.
"Okay lang talaga ako. Ikaw? Kumain ka na muna."
Siya etong maraming ginawa kanina. At hindi pa yata siya kumakain ng kahit na ano.
"Bibili muna ako. Okay lang ba?"
Inangat niya ang parehong kilay, tila nanghihingi ng permiso mula sa'kin.
"Oo naman. Magpahinga ka na'rin. Kaya ko na 'to." ngumiti ako.
Unti-unting nagsalubong ang kilay niya.
"Dito ako magpapahinga, Jex. Hindi ako uuwi. Hindi kita iiwang mag-isa rito." seryoso niyang sinabi.
Umawang nang bahagya ang labi ko. Nag-init ang puso ko sa narinig.
How did I even deserve someone like him?
Maybe I have done something great in my past life to be his best friend in this lifetime.
Nakakamangha rin talaga ang kayang gawin ni Third sa'kin. Parang kahapon lang, nagtatampo ako sa kanya. Now, he's making me have a taste of a totally different feeling.
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Roman pour AdolescentsCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...