Kabadong-kabado ako habang nagmamaneho papunta sa bahay. This isn't my first time going back after leaving.... but this is the first time I'm attending Lolo's birthday celebration after what... 7 years? For the past few years, advance o late ako umuuwi para rito. May isang beses pang nagpadala nalang ako ng regalo.
I couldn't name what I was feeling when I started seeing the expansive fields... and the river that I had to cross. Mula rito ay rinig ko na ang videoke na nanggagaling sa bahay. Malapit na akong makarating.
When the tires of my car hit the rocks as I cross the river, my stomach started feeling so weird.
My head was spinning and my heart was hammering like crazy with the thought of me seeing Third. I couldn't lie anymore. Iyon talaga ang dahilan kung bakit para akong constipated ngayon. Sa mga nagdaang taon, iyon ang iniiwasan ko. The probability of him attending my grandfather's birthday celebration was so high that it made me come up with all the excuses I can think of... just so we won't bump on each other.
Hindi ko alam kung pupunta siya ngayon... pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong mag-isip na pupunta nga siya. Nakakatanga. Nakakahiya... hindi ko alam kung hinahanda ko ba ang sarili ko... o umaasa akong nandoon nga siya. Hindi ko alam.
Ah, damn it.
Kumalma ka, Jexcy Ann. Utang na loob. Nagmamaneho ka pa.
Natigil sa wakas ang pag-iisip ko nang may makasalubong. It was a tinted black Ford SUV. Hindi gaanong malawak ang daan para i-accommodate ang dalawang sasakyan kaya gumilid muna ako at huminto para padaanin ito.
Pinanood ko ang pagdaan ng sasakyan. Saglit ko pang inisip kung sino iyon. Kapitbahay nina Lolo? O nanggaling siya sa birthday? Bisita iyon ni Lolo? I don't know. And I should stop thinking about it, I know.
Pinarada ko ang Raptor, hindi kalayuan sa bakuran ng bahay. May mga nakaparada ring motor doon. Maraming tao ang nasa labas at nagsilingunan sila nang bumaba ako. Bitbit ko ang bulaklak at cake. Ramdam ko ang titig ng mga bisita kaya ilang na ilang ako habang naglalakad. I gave them a shy smile. Nahihiya ako, ayokong agawin ang atensiyon nila.
"Ang ganda na ni Ann,"
I don't know how to react. I wasn't used to these types of gathering anymore so I was really really awkward. Buti nalang ay lumabas si Lola para salubungin ako.
"For you, La." Nakangiti kong inilihad ang bulaklak.
"Naku, salamat, Ann! Sobrang namiss kita."
My heart warmed when she pulled me for a hug. Lumawak lalo ang ngiti ko nang makita ang pagsunod ni Lolo.
"Ang maganda kong apo!" Galak na galak niyang sinabi.
Mahina akong natawa at niyakap din si Lolo.
"Happy birthday, Lo."
"Salamat, Ann. Salamat at narito ka ngayon,"
Humugot ako nang malalim na hininga at niyakap pa si Lolo nang mahigpit bago kumalas. I missed them so much.
"Kumain ka na ba? Tapos na kaming lahat kumain. Hihintayin ka sana namin pero anong oras na," ani Lolo.
I unconsciously glanced at my wristwatch. Pasado alas dos na.
Inasikaso ko pa kase si Vania kaya natagalan ako. I made sure she ate her lunch before going here.
Pero syempre, hindi ko pa pwedeng sabihin iyon kaya hindi nalang ako nagpaliwanag at humingi nalang ng dispensa.
Pasimple kong inikot ang paningin ko... para icheck kung andito siya. Pero wala naman akong nakita. Shame on me for assuming too much.
"Tulungan na kita, neng."
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...