Hindi ko magawang iproseso ang nangyari kay Yvonne.
Wala ako sa sarili habang hinihintay si Mama sa terminal. I was there for two hours and it felt like I was going crazy. Ni hindi na ako nakaramdam ng pagkagutom. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
Dali-dali kong hinawakan ang cellphone ko nang tumunog iyon. I answered it without thinking.
"Ma?"
"Bub?"
Napalunok ako nang mapagtantong si Third iyon. Akala ko si Mama na.
"Saan ka? Bakit hindi ka nagre-reply? Sabi mo ime-message mo ako, ah." May kaunting pagtatampo sa boses niya.
"Sorry, nakalimutan ko."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong magsinungaling pero mas hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyayari...
"Nasa labas ako ng apartment mo, nasa loob ka ba?"
Pinigilan kong magpakawala ng buntonghininga.
"Wala..."
"Huh? Saan ka ba? Ano'ng oras na, ah?"
Habang nag-iisip ng pwedeng isagot ay namataan ko si Mama. Tumayo kaagad ako.
"Uuwi rin ako ngayon. Ibaba ko na. May gagawin pa ako, sorry."
Halos wala kaming imikan ni Mama. I even thought we're heading to our house when she told me she's staying in Pongos Hotel.
"Ikaw muna ang kakausapin ko, Ann. Hindi tayo pwedeng mag-usap sa bahay kase hindi pwedeng malaman nina Lola mo ang totoo." Paliwanag niya.
Gusto kong pumalag. Bakit hindi pwedeng malaman nina Lola?
Kating-kati na akong makausap si Mama pero pinigilan ko na muna hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa hotel room. Tinext ko nalang din si Third na siya na muna ang bahala kay Chuckie dahil hindi ako sigurado kung anong oras ako makakauwi. Pinatay ko rin ang cellphone ko pagkatapos.
"Sino ho ang ama ng pinagbubuntis ni Yvonne?" Tanong ko nang hindi na makatiis.
Nagliligpit pa si Mama pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Nakita ko namang tinigilan niya ang ginagawa at humarap sa'kin.
"It doesn't matter. Walang kuwenta ang lalaking iyon."
"Tinakbuhan siya, Ma?"
"There is no way I will let him stay with Yvonne... kung hindi lang nagmakaawa ang kapatid mo ay baka naipakulong ko na ang tarantadong iyon!"
"Sino po ba ang tinutukoy niyo?"
Pumikit siya at halos magngitngit sa galit.
"Si Jerry." She answered with so much disgust.
Nalaglag ang panga ko.
Ang personal driver ni Yvonne?
Ano...
"This is why she needs to go outside of the country before her bump is evident! This is a total disgrace to our family."
"Siya y-yung tinutukoy ni Yvonne na boyfriend niya? O naging sila ba? Ano?"
Fuck. This is too much.
"That son of a bitch took advantage of Yvonne!" Nanginig ang labi niya.
"Pwede natin siyang sampahan ng kaso-"
"I said Yvonne doesn't want that because she is fucking into that bastard, do you not understand?"
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...