Chapter 14

158 8 6
                                    

"Si Third po?" tanong ko.

Bumaba kase ako para maghapunan at hindi ko na maaninag ni anino niya.

"Umuwi na, Ann." sagot ni Lolo matapos akong abutan ng ulam.

Matamlay akong tumango at kumain nalang din. Wala akong ibang ginawa sa loob ng halos tatlong oras kundi umiyak at mag-isip. Wala akong napala kundi namamagang mata at nagugulumihanang isip.

I still can't believe Third and I had that conversation. Sa ilang taon naming magkaibigan, hindi ko akalaing aabot kami sa puntong 'to. Na hihilingin niyang i-upgrade namin ang relasyong meron kami.

We're already so close. Kahit nga yata ang kaluluwa namin, magkadikit na. And it's already more than enough for me. Kaya, is there really a need for more?

"Pinasobrahan mo naman yata ang iyak, apo..."

Naibalik ako sa ulirat nang marinig si Lola. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang kalmanteng kumukuha ng ulam.

"Ah, hindi po ako umiyak. N-Napuwing lang po." tanggi ko.

I know it's obvious and I probably sounded stupid... but I can't just admit and tell them what happened!

"Narinig namin kayo ni Marcial kanina, kaya huwag mo nang itanggi."

Natameme ako at hindi na nagawang nguyain ang kaning nasa bibig, nilunok ko nalang. Napainom ako ng tubig at awtomatikong napayuko.

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Narinig nina Lolo at Lola? Lahat ba?

"Iyon lang ba ang unang pagkakataong umamin si Marcial sa'yo?"

Mariin akong napapikit. Narinig nga nila.

Nakakahiya! Gusto ko nalang lamunin ng lupa!

"Huwag mo na silang pakialaman pa, Conchita." saway ni Lolo.

"Ano'ng huwag, Pedring? Ang babata pa nila. At pareho pang malapit sa puso natin. Huwag mo sabihing gugustuhin mong gumawa sila ng hakbang na maaari nilang ikapahamak? Aba, eh alam mo namang sa ganyang edad, kapusukan ang pinaiiral."

Hindi ko na mapuno ng pagkain ang kutsara ko. Kimi akong kumain habang tahimik na nakikinig kay Lola. Gustuhin ko mang iwasan ang usaping 'to, alam kong wala akong ibang pagpipilian.

"O sya. Papayuhan lang at hindi panghihimasukan,"

"Hindi mo ba talaga napansin na kakaiba ang turing ni Marcial sa'yo, Ann? Ni minsan ba hindi mo naramdamang espesyal ka sa kanya?"

Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Sa huli, nagpakatotoo na lamang ako.

"Opo... uh, ramdam ko pong espesyal ako kapag nariyan siya. Napaka-gentleman niya pagdating sa'kin. Pero hindi ko naman binibigyan ng malisya iyon dahil likas na mabait si Third at... magbest-friends nga kami..."

Uminom si Lola at bumuntonghininga.

"Nakikinita na namin ni Lolo mo na mangyayari 'to, sa totoo lang. Sa sobrang dikit niyo sa isa't isa, malabong walang mahuhulog. Sa dalas niyong magkasama at sa tagal niyo nang magkaibigan, Ann, nasanay na kayo sa isa't isa... at kahit hindi mo aminin sa'min, alam naming nahuhulog ka na'rin sa kanya. Alam namin kase nakikita namin. Kayo lang naman ang hindi nakakapansin kase nga takot kayong tanggapin at harapin ang katotohanan."

"Tama si Lola mo. Daig pa nga ni Marcial ang manliligaw sa pag-aalaga niya sa'yo, eh. Lalaki rin ako kaya alam ko. At sa nakikita ko sa kanya, mukhang hulog na hulog sa'yo, Ann."

"Eh... paano po ba malalaman kung higit na sa pagiging kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya?" mahina kong tanong.

Nahihiya ako, pero sa estado ng utak ko ngayong magulo, aminado akong kailangan ko nga ang mga salita nina Lola. Compared to them, I know nothing about love.

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon