"Badtrip! Bakit sa Archimedes pa ako?!"
Magkasalubong ang kilay ni Third habang nakatingin sa sectioning na nakasulat sa bulletin board. He looked very annoyed as his thin red lips tightened.
"Ano ba'ng problema mo? Ano naman kung sa Archimedes ka?" taka kong tanong.
May iniiwasan ba siya roon? May kakilala na siya agad, eh hindi pa nga nagsisimula ang klase? Ayos din ah.
Nilingon ako ni Third. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Malamlam ang mga mata at walang bakas ng tuwa sa kahit saang sulok ng mukha. Mukhang seryoso nga'ng nalulungkot siya na sa Archimedes siya. Bakit ba kase?
"Mas gusto ko sa Pythagoras. Nandoon si crush." ngumuso siya.
Umawang ang labi ko at hindi agad nakasagot. Tumayo ako nang maayos at napabuntonghininga.
Akala ko naman kung napaano na siya.
"Sino ba crush mo? Ilakad nalang kita. Sa Pythagoras rin ako, di ba?" kalmante kong sabi.
Natigilan siya at napatitig sa'kin. Nanghihina siyang umiling at supladong nag-iwas ng tingin.
Luh. Problema nito?
"Hoy. Ano? Sino nga? Tulungan kita," alok ko.
I am not really sociable. Hindi ako iyong tipong unang lumalapit para magbukas ng usapan. Bukod sa nahihiya, ayos lang din talaga sa'kin na walang kausap. But if it's for Third, sige lang. Susubukan kong magpaka-extrovert para sa kanya.
"Yuko ka nga muna."
Medyo naguguluhan kase ako sa ayos ng buhok niya. Bagay naman sa kanya ang messy hair pero kailangan lang talaga ng kaunting ayos.
Hindi rin naman siya nag-atubiling sundin ako. He bent his knees so I could reach him. Ang tangkad kase, eh.
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri at inayos ang iilang takas na humaharang sa noo niya. He was just staring at me while I do that.
Pati buhok niya mabango. Malambot at matingkad pa. Dinaig pa yata ang sa'kin. Iba talaga siguro kapag mamahalin ang shampoo.
"Ay. Jowa niya nga yata, te."
"Sayang naman."
"Pero ang sweet, huh. Sana all."
Kumurap-kurap ako at agad na lumayo kay Third. Hinanap ko ang mga babaeng nag-uusap at nakitang nasa likuran lang namin sila. I'm very sure they were pertaining to Third because I caught them staring at us.
Mukhang nagulat sila sa biglaan kong paglingon. I gave them a friendly smile.
Ayokong kumalat na may jowa ang guwapong nilalang na si Ikatlo. Baka mamaya, hindi na niya maging jowa ang crush niya dahil doon! Ayokong maging hadlang sa lovelife niya, no.
"Hi. Hindi po niya ako jowa. Mag-best friends lang po kami."
Kuminang ang mga mata nila nang sabay-sabay at napangisi. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umalis na roon. I heard them trying to talk to Third. Parang hindi naman sila pinansin ni Ikatlo dahil naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin.
"Excuse me po. Hintayin mo naman ang best friend mo po." he mocked my tone.
Natawa ako at nilingon siya habang naglalakad pa'rin. Nagtatampo pa'rin yata siya sa hindi malamang kadahilanan.
"Bilis na. Late na tayo pareho!"
Sabay naming hinanap ang classrooms ng ABM strand. Apparently, it was located on the fourth flour of the building. Mula sa unang palapag, narating naman ang pang-apat sa loob lang ng ilang minuto. Hingal na hingal nga lang kami. Grabe, ang layo!
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...