Epilogue

226 9 4
                                    


"Kung saan si Jexcy Ann, doon ako."

Iyon ang isinagot ko kay Mama nang tanungin niya ako kung saan ko balak mag-senior high.

Nagsalubong ang kanyang kilay at halatang umaalma sa sinabi ko.

"Huwag mong sabihing pati strand na kukunin mo ay nakadepende rin sa kanya, anak?"

Yumuko ako at sumubo nalamang ng cake na binake niya. She grunted audibly.

"I cannot allow you to do this, Marcial Theodore! Pinayagan na kitang dito mag-aral sa Ormoc kahit na gusto kitang pag-aralin sa Manila. Hindi pwedeng pati sa pagkuha ng strand ay bubuntot ka sa iyong best friend! This is a serious step, anak. You should decide for yourself. What you really want..."

I just want to be with her, Ma. Wherever. Whenever.

I was aware that she won't like the thoughts in my head, so I remained silent.

"Bata ka pa. I understand that you would always want to decide according to your emotions, and I'm here to guide you. Listen to me when I say following Jexcy in everything she does won't make you grow on your own. You shouldn't depend your decisions on temporary people in your life."

"She's not temporary, Ma."

Humugot siya nang malalim na hininga.

"We can't tell, anak. You are both too young! Besides, you won't always be together, no matter how much you try. Darating at darating ang panahong magkakalayo kayo."

"Please, Ma.."

She rolled her eyes on me. Ayokong ma-stress siya nang dahil sa'kin pero ayoko rin talagang malayo kay bub.

Gusto kong mag HUMSS, pero kung sakaling hindi iyon ang gusto ni Jex, ayos lang din. I can always study for whatever it is, for as long as I'd be with her.

"Ang sarap po netong cake na binake niyo. Can I give her some?"

"Ay bahala ka ngang bata ka. You are too young to be this in love. My god!"

I scanned the bulletin board and was so annoyed when I didn't find my name on the section list where Jexcy's name was written.

"Ano ba'ng problema mo? Ano naman kung sa Archimedes ka?"

Tinatanong pa ba 'yan? Syempre... gusto ko sa Pythagoras kase nandoon ka.

Paano nalang kung may umaligid sa kanya sa classroom? Ang ganda pa naman netong chinita na 'to.

Alam ko namang wala akong karapatang humarang... pero concerned lang ako, as a friend? Ah, basta.

We can't really tell what happens when we're not together. Tulad nalang nang makita ko siyang may kausap na lalaki habang papalabas nang gate.

Tinanong ko, syempre. Kaklase niya lang daw. Si Lester.

Nawala saglit sa isipan ko ang pag-aaya ng mga kaklaseng gumala dahil sa nakita. Naiinis ako sa sarili dahil ayoko talagang nakikita si Jex na may kasamang ibang lalaki. I know I shouldn't be territorial. Kahit ganito ay alam ko naman ang boundaries ko.

"Third... may aaminin ako."

Natigil ako sa pagsasagot ng assignment nang marinig siya. Nasa apartment niya ako ngayon. Sabay kaming gumagawa ng school works, magkaibang subject nga lang.

Napakamot siya sa kanyang kilay at hilaw na ngumiti.

"Ano? Sabihin mo na."

Parang hindi ko naman alam kung ano. Kanina ko pa napapansin na dikit na dikit siya sa kanyang cellphone. I knew she was talking to someone... at alam kong may malisya dahil ang tamis-tamis ng ngiti niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon