"Kamusta? Jowa mo na ba?" pang-uusisa ni Dale.
Ngumiwi ako at nagpatuloy sa pagsusulat ng problem. The volume V of a right cylinder of height h and the radius r is obtained....
"Hindi nga, Dale. Hindi nga kami magka-chat. Hanggang react lang naman yun sa story ko."
"At disappointed ka dahil doon, sis?" singit ni Neoh.
Mariin akong pumikit at tumigil na muna sa pagsusulat.
"Alam niyo kung bakit ganito ang mukha ko? Hindi yun dahil kay Lester kundi dahil sa General Mathematics. At huwag nga kayong pasulyap-sulyap sa kanya. Ang halata masyado na siya yung topic." anas ko.
Isang beses kong sinulyapan si Lester at agad din namang nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin siya. I'm well aware of his stares, hindi ko nga lang pinapansin dahil sinusubukan kong sagutan na agad ang homework namin.
It's my third week as an ABM student here in WLC and I did not expect I would find the core subjects to be more difficult than the contextualized ones. Bakit ba kase ang hirap ng General Mathematics?
"Eh bakit mo pa pinoproblema yan, Jex? Eh hindi ba nga kaibigan mo naman ang Math genius sa Archimedes? Kopya-kopya nalang. Tapos pakopyahin mo rin kami." Neoh batted her lashes and pouted dramatically.
Ikalawang linggo pa lang yata ng klase ay matunog na ang pangalan ni Third. Siya raw yata kase ang madalas na nakakasagot sa mga tanong ni Ma'am Jia, Math subject-teacher namin. Umangat kaagad ang kakayahan niya sa Math, which I'm no longer surprised of. Magaling talaga siya sa Math, bata pa lang kami. Siya nga ang pambato palagi noon sa MTAP noong nasa elementary pa.
"Hindi ako mangongopya. Magpapaturo nalang ako." I said, then closed my notebook.
Sana hindi busy si Third. Magpapaturo nalang ako sa kanya mamaya. Bukas pa naman ang checking.
"Magpapaturo rin ako, sis. Ang papi kase!" patiling sinabi ni Dale.
Humawak pa siya sa mukha niya na animo'y nag-iimagine. Namumula ang pisngi at kumikinang ang mga mata.
"Ang guwapo nga ni Marcial, Jex. Tapos matalino pa sa Math. Sigurado ka bang magkaibigan lang kayo? I mean, never mo ba talaga siyang nagustuhan romantically?" Neoh sounded suspicious.
Natawa ako sa tanong. Tanong na palaging ibinabato sa'kin. Nasanay na ako. At iisa lang din naman ang sagot ko palagi.
"Hindi no! Magkaibigan lang talaga kami."
Neoh stared at me in disbelief.
"Ows? Seryoso ka ba? Pwede pala 'yun? Kase kung ako nasa sitwasyon mo beh, matagal na akong na-fall."
Umiling ako at ngumiti.
"Eh kaso hindi ikaw ako. Hindi ako ikaw."
I can't imagine myself falling for Third in a romantic manner. I just can't. Ni hindi ko naiisip 'yun! Ewan ko. Parang bawal sa pakiramdam na isipin ang ganoong bagay.
"Anyway, may susuotin na ba kayo para sa acquaintance party?" si Dale.
Oo nga pala. May acquaintance party nga pala kami next week.
"Wala pa." sagot ko.
Ni hindi ko pa nga nababayaran ang fee para roon. Sa susunod na araw pa raw kase magpapadala si Mama.
"Ako, meron na. Sa Plains and Prints ko nabili." sagot naman ni Neoh.
Iyon ang naging topic namin hanggang sa dumating ang guro namin sa next subject.
Alas singko nang matapos ang last subject namin sa araw na iyon.
"Oy, uuwi na ba kayo?" tanong ni Neoh.
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...