Chapter 1

344 12 5
                                    

I was thirteen when I first went to the city alone. Maaga akong natutong umalis at mamalengke nang mag-isa. May katandaan na kase ang Lolo at Lola ko kaya ayoko na silang hayaang mabilad sa init at mahapo sa kalilibot sa syudad. Sa mga nagdaang taon, ako na ang nag-grocery at namimili ng kailangan namin sa bahay. Bilang nag-iisang apo, ako lang ang maaasahan nina Lolo't Lola. Kaya naman, ngayong papalapit na ang pagbubukas ng klase, hindi ko maiwasang magdalawang-isip kung aalis pa ba ako sa bahay o magtitiis na lang sa layo ng kailangan kong lakbayin araw-araw.


I was qualified to enter Western Leyte College of Ormoc. Last month pa ako naabisuhan tungkol doon at tatlong linggo na'rin magmula noong ma-announce ang umpisa ng semester. It's only a week from now.


WLC is kilometers away from our place. Isang oras ang gugugulin para makarating doon kung makasakay ako kaagad ng traysikel. Ayos lang sana kung ganoon nga. Kaya lang, mahirap makasakay kaagad dahil madalas na hindi dumidiretso sa lugar namin ang mga traysikel. Problema talaga ang transpo rito kase bukod sa malayo, may parte pa ng kalsada na lubak-lubak. Ito ang rason kung bakit hinanapan ako ng apartment ni Mama na malapit lang sa eskwelahan.


"Ano'ng sabi mo, Jexcy Ann? Paanong hindi mo itutuloy eh nabayaran ko na ang downpayment!?"


Magkasalubong ang kilay ni Mama habang kinakausap ako sa pamamagitan ng video call.


"Eh kase po... ayokong iwan sina Lola. Parang hindi ako kampante na silang dalawa lang dito araw-araw." paliwanag ko.


And I would miss them so bad. Iniisip ko pa nga lang gumising, kumain, at matulog nang wala sila sa tabi ko, parang kinukurot na ang puso ko.


"Kaya na nina Nanay 'yan, Jexcy. Di ba nga sinabi na nila sa'yo? Ayaw rin nilang mahirapan ka araw-araw."


Bumuntonghininga ako at tumango nalang din. Naiintindihan ko.


"Mommy!" may sumigaw bigla sa background ni Mama.


Napaahon si Mama mula sa pagkakahiga sa sun lounger. Ilang segundo lang, nagpakita na si Yvonne sa camera. Naka-one piece swimsuit siya at pink cat-eye sunglasses.


"Hi, Tita Jex!" kinawayan nya ako.


Ngumiti ako at kinawayan siya pabalik.


"What do you need, baby?" maamong tanong ni Mama sa kanya.


"Can you take my pics? I wanna swim na but I wanna take pictures first. Dad is still asleep!"


"Sure, anak. Let me talk to your Tita first, okay?"


Tumango si Yvonne at nawala sa camera pero alam kong hindi siya umalis.


Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon