Chapter 5

148 9 7
                                    

Sinabi sa akin ni Lester noong acquaintance party na manliligaw na raw siya. He didn't really ask for my permission. It was more like he's informing me.

Since then, napapadalas na ang pagtambay ni Lester sa isipan ko, dahilan para hindi na ako gaanong maka-focus sa discussions. O baka masyado lang talagang mahirap ang paghahanap ng horizontal at vertical asymptote kaya nangulelat ako sa previous quiz.

May long quiz kami kay Ma'am Jia tuwing Lunes at naibagsak ko ang quiz namin nitong nakaraan. Kahit na hindi ako sobrang grade conscious, ayoko rin namang bumabagsak. Alam kong makakaapekto ang quizzes sa grades kaya hindi pwedeng sunod-sunod ang bagsak ko. Kaya heto, isinusubsob ko ang sarili sa pag-aaral para sa long quiz namin bukas.

"Ah, ang hirap!"

Inihilamos ko ang palad sa mukha at mahinang sinabunutan ang sarili. Takte kase. Mag-dadalawang oras na akong nakatitig sa notes ko pero wala akong maintindihan! Kasalanan to ni Lester, eh. Kung hindi niya sana ako tinititigan, edi sana hindi ako nadidistract sa tuwing nag-didiscuss si Ma'am Jia.

Hindi ako nagpunta kina Lolo para rito tapos hindi ko pa'rin pala mage-gets? Ugh. Nakakainis!

Sana pala umuwi nalang ako sa amin para productive. Maikakalma ko pa ang sarili ko roon kahit papaano. Hay.

Nakadapa ako sa kama habang sinusubukang i-graph ang rational function nang biglang may kumatok. Iisa lang naman ang kumakatok sa pintuan ko kaya alam ko na agad na si Third 'yun. Wala na naman yatang magawa kaya heto at ako na naman ang naisipang gambalain.

Tamad akong bumangon at binuksan ang pinto. Bumungad nga sa akin ang nakangiting si Third. Naka-white round-neck shirt sya at light blue denim jeans. May party hat siyang suot at may hawak-hawak na tatlong pirasong balloon.

"Happy birthday, bub!"

Umawang ang labi ko at napaatras ng kaunti sa gulat nang biglang may sumulpot sa tabi niya. Sina Lolo at Lola! May dalang cake si Lola habang bugkos ng bulaklak naman ang dala ni Lolo!

They sang me a happy birthday song and I just stood there, completely stunned to speak.

"Maligayang kaarawan sa paborito naming apo!" pumalakpak si Lola.

Pabiro akong ngumuso.

"Eh ako lang naman po ang apo niyo, La."

Humalakhak si Lolo. My heart fluttered because of that. Seeing them here with smiles plastered on their faces is like a breathe of fresh air for me. I never knew I missed them so much until today.

Nakalimutan ko agad ang paghihirap na tinamo sa pag-aaral ng Gen Math. Agad akong nakaramdam ng ginhawa at saya.

"Apo rin naman namin itong si Marcial, Ann." giit ni Lolo.

And of course, Third was delighted to hear that. His eyes sparkled and the corner of his lips curved genuinely. Sumalida ang pantay-pantay at 'sing puti ng singkamas niyang ngipin. Aroganteng umangat-angat ang kilay niya sabay kindat sa'kin.

"Ikaw na muna ang paborito ngayon, bub. Birthday mo, eh." tukso niya.

Umirap ako at pumikit para mag-wish.

I wish my Lolo, Lola, and Mama good health. Sana maging malusog sila hanggang sa magawa ko nang ibigay sa kanila ang lahat ng kailangan at makakapagpasaya sa kanila. Please let them live until I become successful, Lord. Wala akong ibang hinihiling kundi ang makasama pa sila nang mas matagal-

"Ang tagal naman! Natutunaw na ang kandila." paepal na sinabi ni Third.

Napilitan tuloy akong dumilat at hipan nalang ang kandila. Pumalakpak silang tatlo at biglang nag-init ang sulok ng mata ko nang tuluyang mapagtanto ang nangyayari. They came here to surprise me! Habang ako ay masyadong abala na nakalimutan ang sariling kaarawan.

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon