Chapter 12

157 8 4
                                    

Katatapos lang ng finals namin kahapon. Literal na week-long iyon kaya nasubok talaga ang focus ko. It was very draining, mentally and physically. Now that it's finally done, I immediately decided to go home to my grandparents and wind down there.


Kaya naman, heto ako ngayon, bitbit ang eco-bag na may lamang kaunting groceries, papunta na kina Lolo't Lola.


"Hawak ka sa'kin, bub," inilahad ni Third ang kaliwa niyang kamay.


Sumama siya sa'kin dahil namimiss niya na'rin daw sina Lolo. Mas masaya kapag nandiyan siya kaya hindi na ako tumanggi.


Hindi na kayang dumiretso pa ng traysikel sa mismong bahay namin dahil bukod sa malayo na iyon masyado, mahirap pa ang daanan. Ito ang dahilan kung bakit iilan lang ang naninirahan sa bahaging ito ng Ormoc. Gayunpaman, ang kaliitan ng bilang ng populasyon ay kapaki-pakinabang para sa mga taong gustong manirahan ng payapa.


Hinawakan ko ang kamay ni Ikatlo at hinayaan siyang alalayan ako sa pag-tawid sa ilog. Bagama't hindi malakas ang agos ng tubig, maraming bato ang nilulumot na kaya may kadulasan.


Mabuti nalang kalmado ang panahon ngayon kaya kalmado rin at malinis ang tubig na umaagos sa ibabaw ng mga bato. Ang lagaslas nito na sinasabayan ng huni ng mga ibon ay nagsilbing musika sa aking tenga.


Isa ito sa pinakanamiss ko. Nakahahalina lang kase ang katahimikan at kapayapaan ng lugar. Idagdag pa na masarap sa mata ang tanawin. Ang bundok na nasa kanan ay napapalamutian ng puno ng niyog, baging, at iba pang mga halaman. Sa kaliwa naman ay ang naninilaw na palayan. Nakakaaliw ang mahinang pagsayaw ng mga manipis na tangkay ng palay sa tuwing umiihip ang hangin.


Matapos ang humigit-kumulang limang minutong paglalakad, natanaw na namin ang dalawang-palapag na bahay na yari sa kahoy.


"Mga apo!" tuwang-tuwa si Lola nang mamataan kami ni Third.


Naabutan namin siyang nagwawalis sa bakuran. Ang katirikan ng araw ay hindi niya ininda. Mabuti nalang din maraming puno ng kahoy kaya may lilim na nasisilungan si Lola.


Nilapitan namin siya ni Ikatlo at parehong nagmano. Tumakbo si Pidoy sa direksyon namin, alaga naming aso, at kumahol.


"Kamusta na ang maganda at masipag naming Lola?" nakangiting tanong ni Third.


Dahil dito'y pinasadahan siya ng tingin ni Lola. Third looked so casual wearing a flannel as an outerwear over a white round-neck shirt, paired with a black shorts. He was carrying a guitar case on his back. Bitbit din niya ang pinamili namin sa palengke na karne ng baka at prutas.


"Eto, maayos naman kahit nananakit na ang tuhod at likod."


"Buti sinamahan mo si Ann ngayon, Marcial. Aba eh miss ka na niyan ni Conching." pagsingit ni Lolo.


Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon