Should I invite him?
Will he come?
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko, contemplating whether I should invite Third on Vania's birthday.
Hindi pa kami nagkikita ulit matapos ang birthday ni Dale. I am not yet comfortable seeing him after everything he has told me. Hindi ko alam kung nahihiya ako o kailangan ko lang ng time para i-proseso ang mga sinabi niya. Certainly it's not because I don't want to see him... because damn it... I do. Of course, I do...
Ano? Papuntahin ko ba?
Natatanga ako.
I should just invite him over, right?
My eyes widened when I saw three dots moving on our chat. Typing siya!
Marcial: Hi
Napahawak ako sa dibdib ko matapos mabasa iyon. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. Jusko naman. Simpleng "Hi" lang, tapos ganito na ako?
Marcial: Kumusta?
I pursed my lips as I immediately typed my reply.
Ako: Hello. Ayos lang naman. Ikaw?
Ni-seen niya agad ang message ko.
Marcial: Medyo pagod haha
Then he sent me a picture showing his desk. His MacBook was turned on, ganoon din ang desk lamp niya.Kita rin ang black mug niyang may kape.
I'm not quite sure kung nag-aaral siya o nagtatrabaho, kase 'di ba, ang sabi ay he's both an instructor and a PhD student.
It's almost 12 A.M. and he's still so busy. Nakakapagod nga iyon. Pinagsasabay ba naman ang pagtuturo at pagiging estudyante.
I was typing on my phone when I realized I didn't exactly know what to say.
Ako: Pahinga ka 'rin :)
Marcial: Nagpapahinga na :)
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang pag-stretch nito. Ano ba 'yan. Para akong high-school!
Ako: May sasabihin nga pala ako
Marcial: Yes?
Ako: It's my daughter's birthday next week, Tuesday. Baka lang gusto mong pumunta hehe
Ako: Pero kung busy ka that day, okay lang
Marcial: No, I'll go. Saan?
Sinabi ko sa kanya ang address ng resort na pupuntahan namin. It was recommended by Dale, nanggaling na raw sila roon last year at maganda raw. Request kase ni Vania na mag-beach kami sa birthday niya.
Marcial: Thank you for the invitation, Jex.
Napangiti ako.
Ako: You're welcome
He reacted heart on my message at akala ko roon na matatapos ang pag-uusap namin nang mag-reply siya ulit.
Marcial: Can you give me any idea on what gift I should buy for her?
Ako: Hindi naman mapili ang anak ko, tatangapin niya ang kahit ano. Don't worry :)
Dinagdagan ko ang aking sinabi nang mag-typing siya nang matagal.
Ako: But she's into arts
Nagtuloy-tuloy pa ang usapan namin hanggang sa hindi ko namalayang mag aalas-dos na ng madaling araw.
Marcial: Matutulog ka na?
Ako: Hehe yes
Inaantok na'rin talaga ako.
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...