Wala akong sinabi kay Third tungkol sa hiwalayan namin ni Lester noong gabing 'yon. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa kusa na'ring napagod. Hindi rin naman nagtanong si Ikatlo, niyakap at sinamahan niya lang ako. We ate silently after that and slept in peace.
Kinabukasan ay nadischarge na ako. At gaya ng ipinangako ni Third, siya ang nag-asikaso ng lahat. Wala akong inilabas na kahit na piso. Nahihiya ako pero wala ring nagawa dahil wala naman akong perang pambayad.
"Okay ka na ba talaga? Hindi na masakit ang tuhod mo?" tanong niya pagkarating namin sa loob ng apartment ko.
I stretched my lips to give him a reassuring smile. He's always so worried.
"Thank you, Third."
Napakurap-kurap siya bago seryosong tumango.
"Seryoso, maraming salamat. Huhulug-hulugan ko-"
"Sapat na sa'kin ang 'thank you' mo, bub. Hindi mo ako kailangang bayaran." pigil niya agad.
Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang tumango.
"Papasok ka ba?"
Pwede pa siyang pumasok sa skwela ngayon dahil mag-aala-una pa lang naman. Sayang din ang attendance at points niya kung sakaling may quiz.
"Hindi. Sabay tayo bukas,"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Uminit naman ang puso ko sa pag-aaya niya.
Ang tagal na magmula noong magsabay kaming pumasok! Nakakamiss.
"Sige." pinigilan kong ngumiti.
"Okay. Magpahinga ka na. Mauuna na ako."
Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo bago ako nakasagot.
I kinda... want him to stay a bit longer. Pero... nahihiya akong magsabi kaya...
"Ikaw rin, magpahinga ka."
Sa aming dalawa, siya ang talagang dapat na magpahinga. Dalawang oras lang yata ang naging tulog niya at na-busy pa kanina.
"I-chat mo lang ako kung may kailangan ka." bilin niya pa.
"Hmm. Thank you ulit,"
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...