Chapter 8

145 8 2
                                    

"Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit parang mas inlove ka pa sa best friend mo kesa sa'kin, ha, Jexcy?" mariing tanong ni Lester.

Mariin akong pumikit at umiling. Pakiramdam ko unti-unting nawawasak ang puso ko. I couldn't stop it from literally hurting.

"Ster kase... hindi naman deserve ni Third na masabihan ng ganun..." nanghihina kong sagot.

Para akong sinasaksak habang naaalala ang mga mata ni Third kanina. Maitatago niya siguro iyon sa iba, pero hindi sa'kin.

He looked so pained. And I felt so responsible for it.

"Eh ako, Jex? Deserve ko ba 'to, ha? Deserve ko bang ma-insecure kay Padilla? Deserve ko bang maramdaman na siya naman talaga ang mahal mo, at hindi ako? Pakiramdam ko... walang-wala ako kung ikokompara sa kanya, eh. Ano? Is this what I deserve?"

Dumausdos ang luha ko bago ko pa ito mapigilan.

Nadagdagan ang batong nakadagan sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Lester. It hurts to hear that I am not giving him the assurance he deserves. It hurts to realize that... I am not being a good girlfriend to him.

"Tangina kase. Akala mo ba hindi ko napapansin? Kayang-kaya mo yatang isantabi ang lahat para sa kanya. Kahit ako. The way you look at him? Hold him? Nakaka-insecure. Nakakapraning."

Pinalis ko ang luha ko at malungkot na sinalubong ang nagbabagang titig ni Lester.

"Sorry... s-sorry kung ganoon 'yong dating sa'yo."

I wanted to tell him it was normal. Na best friend ko si Third kaya ganoon. Na walang malisya ang lahat. Pero... ayokong iinvalidate ang nararamdaman niya. At baka... baka rin kasalanan ko.

Pagkauwi ko noong araw na 'yon ay tahimik lamang akong umiyak sa loob ng apartment. Something felt so wrong... and I couldn't figure it out completely.

Gustong-gusto kong mag-sorry kay Third sa mga nasabi ni Lester, at damayan siya sa problema niya ngayon. Pero... hindi ko magawa-gawa dahil alam kong magagalit na naman si Lester.

Napaigtad ako nang bumukas ang pinto ng kabilang unit. Papasok na ako sa skwela ngayon.

Nakita kong tamad na ini-lock ni Third ang pinto at dahan-dahang lumingon sa gawi ko. Mukhang hindi naman siya nagulat sa presensya ko. Ni wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya.

My heart raced so fast like it was in a historic marathon.

Ngingiti na sana ako at kakaway nang mag-iwas siya ng tingin at umalis na parang wala siyang nakita.

Lumubog ang puso ko sa ginawa niya. Umawang ang labi ko at nangilid ang aking luha. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang huminga nang maayos.

Sa ilang taon naming magkaibigan... ngayon niya lang ako inignora ng ganito.

Galit nga talaga siya sa'kin.

"Huy, okay ka lang?" untag ni Dale.

Ikaapat na period na namin ngayon at... kanina pa ako lutang. Hindi ako makapag-concentrate. Lumilipad ang utak ko sa pag-iisip kay Third. Sobra akong nababagabag.

"Uh, oo. Okay lang." pilit akong ngumiti.

I tried pulling myself together and just listened to what our P.E. teacher was saying.

"For your final performance task in my subject, you need to perform a cheerdance on December. It will be a competition between your section and all other sections from different strands. If you win, all of you will be automatically exempted from the final examination."

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon