Chapter 17

143 6 0
                                    

Matapos naming kumain ay ako ang nagboluntaryong maghugas. Third wanted to help out but he was dragged by Lolo outside to drink Tuba.

Nagsasabon ako ng baso nang maramdaman ang presensya ni Lola sa gilid. Sinulyapan ko siya at nangunot ang aking noo nang makitang titig na titig siya sa'kin habang nakakrus ang mga braso. She seemed to be in deep thought.

"Bakit po, 'La? Uh, may problema po ba?" Nag-aalangan kong tanong.

Hindi niya ako sinagot.

Ginapangan ako ng kaba nang mamayani ang katahimikan sa'min.

What is she possibly thinking? Ang saya-saya namin kanina, ah?

May nagawa kaya akong mali-

"Kayo na ba, Ann?"

Naibaba ko ang baso at maang na napalingon kay Lola. Seryosong-seryoso ang ekspresyon niya. Hindi naman siya mukhang galit... mukha lang talaga siyang naguguluhan... at nag-aabang ng sagot.

"Kayo na nga?" Pag-ulit niya nang hindi ako makasagot agad.

"Po? H-Hindi po,"

Itinigil ko ang paghuhugas para tuluyang humarap sa kanya. She looked unconvinced as she narrowed her eyes on me.

"Alam naming sinundan ka niya pero hindi namin akalaing makakasabay mo siyang umuwi. Dalawa lang naman 'yan. Sinagot mo siya o pinayagan mong manligaw..."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Lola kahit na mali ang kanyang iniisip. I feel nervous and shy... now that she's cornering me.

"Hindi ko po siya sinagot... at hindi ko pa po pinayagang manligaw. Hindi po kami nag-usap tungkol dyan, La." Pag-amin ko.

Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. Tila dismayado pa sa sagot ko.

"Gusto ko ang pagdadahan-dahan ninyo, Ann. Pero... gusto ko lang ulit sabihing botong-boto ako kay Marcial para sa'yo."

For some reason, my heart warmed along with my cheeks after hearing that. Sasagot na sana ako nang masulyapan si Third sa bukana ng kusina. Nanlaki ang mata niya nang magtagpo ang mata namin... and my cheeks heated more when I saw how red his face was. Narinig niya ang sinabi ni Lola...

"Ah, kukuha lang sana ako ng tubig..." Awkward siyang tumawa.

Lola didn't even look regretful after realizing that Third heard her. Nagpaalam lang siya sa'min at umalis na.

Mariin akong pumikit. At naiwan pa talaga kami.

Ramdam ko ang paninimbang ni Third sa emosyon ko kaya hindi pa siya lumalapit para kumuha ng baso. Hindi rin siya nagsalita. Hula ko'y takot siyang baka may masabi akong hindi maganda oh hindi naman kaya'y magsuplada...

Bumuntong-hininga ako at binanlawan ang sabon sa aking kamay. Walang imik ko siyang kinuhanan ng baso at ako na'rin mismo ang nagsalin ng tubig para sa kanya. Ramdam ko ang titig niya habang ginagawa iyon.

"Oh." Sabi ko sabay abot ng tubig sa kanya.

Bahagyang umawang ang labi niya, hindi makapaniwala sa ginawa ko. His hands even trembled a bit while gripping the glass.

"T-Thank you, bub."

Tumango lang ako at patay-malisyang bumalik sa paghuhugas. Nag-init ang pisngi ko habang inaalala ang reaksyon niya. Akala mo naman talaga sobrang grand ng ginawa ko...

Para akong nabunutan ng tinik nang umalis si Third sa kusina. Hay. Hindi pa'rin talaga ako sanay sa atmosphere namin ngayon. It's awkward... malayo sa kung anong meron kami noon.

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon