Lester was such a smooth-talker. Magmula noong replyan ko siya ay hindi na natapos ang usapan namin. He replies so fast and he seems to be always equipped with topic. The first time he messaged me, my day ended with his 'good night'. The next day, my day started with his 'good morning'. Kalaunan ay naging komportable akong kausap siya.
It hasn't been a week and yet he has already become the first person I talk to in the morning and the last every night.
Ster:
Ano'ng oras ka papasok bukas?Ster. Yup. Nakapag-set narin kami ng nickname ng isa't-isa sa Messenger. Is it too fast? I don't know. I'm just... going with the flow. Ni hindi ko alam kung may patutunguhan kami. Ang alam ko lang, gusto ko siyang kausap.
Ako:
6:45 A.M.Ster:
Ang aga 😢Ako:
Ayoko ma-late sa first period. Hindi ako tulad ng iba dyan na best in late 🙂 hahahahahaSter:
Ako po ba ang pinatatamaan niyo? 😫Ako:
Hindi po. Hindi naman yata ikaw yung alas otso na dumadating sa room, di ba?Ster:
Oo na. Sige na. Sasabay na ako sa'yo bukas Miss Punctual 😉Bahagyang namilog ang mata ko.
Ako:
Weh?Ster:
Oo nga ahahahaha mauuna pa ako sa'yo. Hintayin kita sa tapat ng gateAnd so the next day, we entered WLC together. Namangha ako dahil akala ko nagjo-joke lang siya. Talagang gumising siya nang maaga! Nauna pa nga siya sa'kin. Tuloy ay napuna ni Ma'am Jia ang presensya niya. Gen Math kase ang subject namin sa first period.
"Lester, mabuti naman at maaga ka ngayon."
I saw Ster smirked before glacing at me.
"Shempre, Ma'am. Punctual ang crush ko kaya dapat punctual narin ako."
Dahil sa sinabi niya ay sinabon kami ng tukso. Nilingon ako ng mga kaklase ko at nanguna sa kantiyaw si Dale at Neoh. Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko.
"Yan! Ganyan dapat. Good influence na crush. Eh si Lester ba, Jexcy Ann? Good influence ba sa'yo?" ngumisi si Ma'am.
"Ang tanong, crush din ba siya ni Jexcy?" pahaging ni Neoh.
Bahagya akong ngumiwi dahil hindi ako komportable sa pangha-hotseat nila sa'kin. At talagang sa harap pa ni Ma'am Jia ako ginigisa. Magagaling din talaga.
"Hoy ako dapat ang nagtatanong niyan. Huwag mong i-spoil ang exciting part." simangot ni Lester.
Umiling ako pero nakitawa rin kasama ang ibang mga kaklase.
Dahil sa nangyaring tuksuhan ay agad na umugong ang tsismis na may kung ano sa amin. Naging instant loveteam kami sa room. And I don't know how to deal with it, honestly. Wala naman kase kaming label ni Lester. At magsisinungaling ako kung sasabihin ko ring hindi ako natutuwa sa panunukso ng mga kaklase ko.
"Gagi, Jex. Ikaw pala yong tinutukoy ni Lester na inspiration niya? Akala ko yung blonde! Hahahaha."
"Ako, akala ko 'yong maliit na babae sa TVL!"
"Mga ulol! Huwag niyo nga akong itulad sa inyo." depensa naman ni Lester.
I smiled and signalled it's okay. But I admit, I was quite bothered because of that.
Aaminin kong dahil sa mga naririnig ko mismo sa mga kabarkada ni Lester ay hindi ko magawang magtiwala ng lubos sa kanya. Siguro kase alam ko ring hindi imposible ang sinasabi nila. With Ster's charm, he could easily capture the hearts of whoever he wants.
BINABASA MO ANG
Kanunay Nga Padulngan
Teen FictionCan two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each other maintain a platonic relationship? Can two people preserve a love that is not romantic when the...