1st Blinded

37.8K 829 362
                                    

Blinded

Hate

"Dad... Kesley," si Airelle, ang anak na babae ni Tito Walter, ay kakadating lamang.

Humalik siya sa pisngi ng kanyang ama. Tumingin sa akin at ngumiti ng tipid. I smiled back. Inukupa niya ang upuan sa harapan at iginala ang tingin.

"How's your dinner with Mrs. Velasco's son, si Christian?"

"Ayos naman," sabi ko habang panghimagas na ang ginagalaw.

The Velascos left already. Kami na lamang ang naiwan para hintayin si Airelle na medyo late pa.

"Hindi mo tipo?" kunot-noo niyang tanong habang abala ang waiter sa kanyang tabi na magsalin ng wine sa kanyang wine glass.

Hindi agad ako nakasagot. Tito Walter smiled at me. He gestured that it was fine.

"Don't rush. I know this is hard for you..."

"Dad, nasabi mo na ba kay Kesley?" biglang singit ni Airelle na ikinakunot ng aking noo.

"What is it?" kuryoso kong tanong.

Tito Walter sighed. Para bang ayaw niyang sabihin sa akin ngunit dahil nabuksan ang topic ay napipilitan na.

"It's about your parents..." Tito sighed again.

Nagkasalubong ang aking kilay. Naging triple ang pagiging seryoso ko.

"We have a lead," si Airelle ang nagsalita.

My eyes slowly widened. Mabilis kong nilingon si Tito Walter na hinihilot ang sentido.

"Lead behind the ambush of my parents?!"

Tito Walter nodded weakly. Airelle looked at me seriously while munching her food in a slow manner.

"Who, Tito?" halos nanuyo ang lalamunan ko, ang dibdib ay kumakalabog at parang nabibingi ako.

"Mukhang isa sa kasosyo ng kapatid ko sa negosyo. At mukhang nasa kompanya lang..."

My jaw dropped. Nasa kompanya? At may posibilidad na kasosyo ni Dad? What... which means... Tito Walter's life is in danger!

"Don't worry, Kesley. You're not exposed as my brother's daughter. You're safe—"

"No Tito! This isn't about my safety. This is about you! Kayo ni Airelle," giit ko sa galit na tinig.

Bumagal ang pagnguya ni Airelle at namungay ang mga mata. She looked at her father wearily.

"I'm worried for you, Dad..."

Tito Walter shook his head and smiled at us. Nanginig ako sa galit. Sila na lamang ang pamilya ko, at kung pati sila ay napahamak, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na siguro ako.

"Let's change the subject please girls. I want to have a peaceful dinner with the both of you..."

Pumikit ako at huminga ng malalim. This is bad. Kung nasa kompanya lamang, may malaking posibilidad na pinagpaplanuhan na nila kung paano ididispatya si Tito Walter lalo na't siya ngayon ang namamahala ng kompanya na iniwan ni Daddy sa kanya.

Kabado ako ngunit nanaig ang matinding galit sa akin. Those monster are still alive after what they did to my family! Hindi pa sila kontento at sakim sa kapangyarihan kaya sigurado akong pinupuntirya na nila ngayon ang natitirang mga Narciso!

Ilang minuto kong kinalma ang sarili. Airelle looked bothered. Si Tito Walter ay pilit lamang pinapagaan ang aming loob.

"Hindi ba't modelo ka ng inumin ni Glen? Wala ka bang namemeet na mga kaedaran mo? I hope hindi ka niya binubugaw sa matatandang kliyente," sabi ni Airelle na marahang ikinahalakhak ni Tito Walter.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon