21st Blinded

18.1K 517 259
                                    

Type

Nagbihis din naman kami ni Aki bago umalis. I wore a hoodie and pants, while Aki wore green army pants and a black tank top. Sinuot niya ang pamilyar na leather jacket ni Roche at namulsa doon habang patungo na kaming tatlo sa kung nasaan ang mga boys lalo na't sinundo na rin kami ni Riven sa loob.

Noong makarating sa parking lot, nakita agad namin sila sa mismong Ford Ranger Raptor ni Anzai. He's sitting sideways, facing outside, on the opened back seat while lighting his cigarette.

In the opened cargo bed of the raptor at the back, naroon si Crius at Roche. Nakatayo si Crius at nakahilig sa bubong ng back seat habang nakalapag ang bote ng Jose Cuervo roon kasama ang shot glass. Si Roche ay nakaupo sa bubong at nakapangumbaba habang nakaparte ang kanyang mga binti.

"Kaya naman pala hindi na kayo pumasok kasi nag-iinuman na kayo sa parking lot," ani Daciana.

"Ayaw pumasok ni Roche," si Riven.

"Himala ah? Pinapanindigan niya talaga na hindi na siya lalandi?" halakhak ni Daciana.

Coz after that trouble he got himself into, umiiwas na rin talaga siya sa parties. Or more on... flirting with girls.

Noong lumapit na kami, umalis agad si Roche sa bubong at naglahad ng kamay sa amin.

"Done?" tanong ni Crius na nakatingin na sa amin na nakahubad na ang leather jacket at nakasabit lamang sa kanyang balikat.

Naaninag ko agad ang pasa sa kanyang pisngi, na may nakalagay na band aid, at ang cut sa kanyang labi. The bad boy looks like a bad boy himself...

Tumango ako at inilahad ang kamay kay Roche, until I smelled Aki behind me as she put her hands on each side of my waist and lifted me up kaya mas madali akong nahila ni Roche paakyat hanggang nakarating ako sa loob.

"Nakailang bote na ba kayo? Baka lasing na kayo," sabi ko nang makitang nakaubos na sila ng isang bote at nangangalahati na ang isa.

Inangat din ni Riven si Daciana habang si Roche naman ay hinihila na si Aki paakyat.

"You'd know if we're drunk when someone would start dancing." Sabay sipat ng tingin ni Crius kay Anzai na patay malisya at abala ang tingin sa hawak na phone.

Roche laughed and looked at Anzai. Ramdam ko ang panunuya ng dalawa sa kanya.

"Paano nga ulit 'yon Roche?" si Crius na nakangisi na rin.

Roche started doing a sexy dance and even lifted his shirt a bit, showing half of his abs. The movement of his body was like lazy waves, and he looked so hot and funny at the same time. Tumili si Daciana habang natatawa kami ni Aki. Nagmura si Anzai at binato sa kanya ang kanyang phone. Roche, Riven, and Crius laughed.

Umismid halos si Anzai. Natatawang tumigil si Roche at itinaas ang mga kamay nang tingnan siya nito.

"The race is tomorrow," Anzai reminded as he blew the smoke of his cigarette. Halatang gusto nang ilihis ang topic.

"Make sure you'll win," si Crius na kinuha ang bote ng Jose Cuervo para magsalin sa shot glass, suot pa ang ngiti sa labi.

Umupo ako sa gilid at tiningnan ang Jose Cuervo na iniinom nilang nangangalahati na. May mga can din ng soft drinks habang si Daciana ay pinulot ang chips at ibinigay kay Riven para mabuksan iyon.

"How 'bout you, Roche?" si Anzai na nilingon si Roche na nakapamulsa na.

"Kayo lang. Marami akong gagawin sa warehouse," aniya.

"Malaki pa naman ang pusta ni Anzai," si Aki nang umupo sa aking gilid.

"How much?" si Roche na kuryoso.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon