11th Blinded

18.6K 741 213
                                    

Warning: SPG

Both

My eyes narrowed at the familiar physique of Caden in front of me. He's wearing his usual attire, a button-down shirt with the sleeves rolled up to his arm and the two buttons opened, showing the lace of his necklace.

"Ba't ka nandito?" malamig kong tanong at itinuon ang tingin sa kasiyahang nangyayari.

"I'm trying to find a woman?" ramdam ko ang panunuya sa kanyang tinig.

"At sa Davao? Dito mismo sa rave party kung nasaan ako?" I smirked back sarcastically.

Tiningnan niya ang ayos ng buhok ko. "Suits you..."

Medyo natigilan ako roon. I put my hair into a high ponytail and highlighted my features with soft makeup. Hindi ko alam na pupurihin niya iyon.

Tumikhim ako.

"I'm working, Cade. Kung guguluhin mo lang ako—"

He licked his lips and raised his hands. "I won't disturb you."

Tiningnan ko ang iilang mga taong nasa aming area. Busy ang mga bartender sa pagbibigay ng drinks lalo na't may mga umuukupa na sa aming stall. Sina Hanselle at Kyrie ay may mga inientertain namang grupo ng mga lalakeng nakikipag-usap din sa kanila. At ako... Heto. I'm being useless.

"Mangdidisturbo ka. Mang-eentertain pa ako ng customer," giit ko at iginala agad ang tingin, naghahanap ng pwedeng pagkaabalahan para takasan siya.

"I am a customer, Kes. Mag-oorder ako ng isang bucket ng..." Pinisil niya ang pang-ibabang labi at tiningnan ang Mobile Bar namin, tinitingnan ang mga nakadisplay na inumin.

Umirap ako ng husto at humalukipkip. I watched how he tried to be so innocent in front of me kahit ang totoo ay nagpapanggap lamang ang isang ito!

"Ba't hindi ka sa kabilang station? Iyong sa San Miguel!" I pointed the right area, kung saan nakapwesto ang San Miguel na Mobile Bar.

Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa akin at sinundan ng tingin ang aking itinuturo.

"Bakit doon kung pwede namang dito?" aniya at tiningnan akong muli.

Nanliit ang aking mga mata. He pursed his lips and glanced at the mobile bar I pointed.

"Doon ka," I hissed.

He nodded slowly and licked his lip. Nagtungo siya roon para doon na rin mag-order ng maiinom.

Sa bawat pag-usad ng oras ay naghahalo na ang kaluluwa ng alak at kaluluwa ng tugtog sa lahat. Some were very hype, some were wasted, and some were already making out in the middle of the party.

Nakita ko pa kung paano hinila ni Kyrie si Hanselle doon sa nagpapalagay ng kolorete sa mukha noong neon paint o design katulad ng ibang mga party goers na meron din sa kanilang mga pisngi.

"Magpalagay ka rin, Kesley!" ani Hanselle sa akin, natatawa na habang kinakapa ang neon paint sa ginuhit sa kanyang pisngi.

Naging busy ako sa pagtanggap ng mga coupons ng mga bumibili ng drinks sa amin.

"Itinaboy mo si Caden?" bulong ni Glen, bigla nalang sumulpot sa aking tabi at medyo amoy alak na.

"I'm still annoyed. He's just too clingy and easily jealous. Naiirita ako sa ganoong lalake. Manliligaw pa naman sana."

And he really come here to follow me! I hate it.

"Eh sa ganyan? Hindi ka kaya mairita lalo?" Nguso niya kung nasaan si Caden.

Lumingon ako roon at nadatnang may binubulong sa kanya ang isang modelo ng san miguel. I knew it. He's a fucking womanizer. A playboy!

"I am not affected," sabi ko, halos hilain ang tingin para maalis doon lalo na't pakiramdam ko ay gusto kong sumabog sa inis.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon