6th Blinded

20K 734 268
                                    

Nickname

"You seenzoned me, snob girl," angat ng kilay ni Daciana nang mamataan akong muli sa Bar.

Matao kahit Martes. Maybe because everyone is eager to have fun at clubs and bars before school starts. Papatapos na rin ang summer. Eh hindi na nga halos ramdam ang tag-init dahil sa pumapasok na bagyo.

I didn't say anything at Daciana as I proceeded to review the drinks we're going to promote at the other bar, which is the Delafuente's.

Umupo sa stool si Daciana, habang inaasikaso siya ng aming bartender.

"I miss my crush. XXL din siguro'yon," Daciana sighed while looking at the bartender. "Nasa kaniya pa naman 'yung ganoong vibes sa lalake."

Nag-angat ako ng kilay at nakita ang biglaang pagsulpot ni Riven sa kaniyang likuran. His snobbish expression intensified as he sat beside Daciana.

"Ano?" Rinig ko ang matabang na tinig ni Riven.

Daciana glanced over her shoulder. "Oh, thank God you're here! I brought my car, but I'm tired of driving it. Gusto kong manood ng live band nila Crius sa kabilang bar."

I saw how Riven's expression twisted. "Dumadaing ka sa call."

Kinuha ko ang brochure at pumasok sa storage room para i-check isa isa ang drinks at siguraduhing may stock kami. Ilang minuto akong naroon at lumabas lamang noong matapos ko lahat.

Nakita ko si Daciana na irita at may sinasabi kay Riven na tahimik na nakikinig sa kaniya.

"Tapos na ako," sabi ko kay Peter na abala pa rin sa drinks habang kinukuha ko na ang gamit ko sa counter top.

Hindi ko naman duty ngayon pero pinapa-check kasi ni Glen sa akin ang mga drinks at total isa ako sa primary models na ilalagay niya sa kabilang bar. Ako nalang din ang umasikaso lalo na't wala naman akong ginagawa sa condo.

Marami akong tambak na assignment sa online class ko pero hindi pa naman iyon deadline. Kahapon ko sana gagawin kaso halos isang araw akong nanatili sa puntod ng aking pamilya kaya medyo nawalan din ng gana na may gawing iba.

Every time I remember them, I always have this feeling that everything is just too bland. Para bang wala akong mahanap na rason para magpatuloy kaya laging nangangapa kung paano ba dapat mamuhay sa paraang hindi ko mararamdaman ang ganito.

"Kesley!" ang matinis na boses ni Daciana ang humabol.

Nag-aabang na ako ng taxi lalo na't gusto ko na ring umuwi nang lumapit siya sa akin, hinila ako sa parking lot habang nakasunod na si Riven.

"Pagod na ako, Daciana. Uuwi na ako," bawi ko sa aking kamay ngunit hinigpitan niya iyon at inihagis ang susi kay Riven na sinalo nito gamit ang isang kamay.

"Gig ngayon nila Crius! Let's watch!" she said and opened the back seat of her car.

Nag-aamba pa lamang akong magsalita pero itinutulak niya na ako papasok sa back seat at halos sumubsob pa ako sa upuan kaya pagapang akong pumasok.

"You know what? I consider you a friend. But you are so distant. Loosen a bit, Kes," she said before slamming the door shut.

Ngumiwi ako dahil parang hindi lamang ako ang napipilitang sumama rito sa kaniya. Pumasok siya sa front seat habang kita ko ang maugat na kamay ni Riven na hinila na ang gear at nasa steering wheel na ang isang kamay.

The stereo boomed as Riven and I stayed silent while Daciana was doing her own concert inside the car. Maganda naman ang boses niya kaya lang sobrang ingay dahil nakikipagsabayan siya sa stereo ng music.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon