7th Blinded

19.5K 813 168
                                    

Court

Crius immediately let go of the topic, or maybe because he saw I won't tell anything to him.

Humikab ako sa likod ng kotse ni Daciana habang papauwi na nang tumunog ulit ang aking cellphone sa text ni Caden.

Caden:

That fucker hahaha

Umangat ang aking kilay. I can vividly see his smile on my mind. Hindi naman marami ang nainom ko pero iniisip ko pa lamang siya, nagiging dizzy ako.

"Ilang taon na 'yung si Aki?" I heard Daciana's voice.

Si Riven ang nililingon niya habang abala ako magtype ng message for Caden.

Ako:

Fucker who?

"Don't know," si Riven sa mababang tinig.

Daciana's head glanced at me. Nagkibit rin ako nang hindi na siya tinitingnan pa at itinuon ang tingin sa labas ng bintana.

"Baka ka edad mo Kes? Or maybe nila Roche?"

In our circle, Anzai is the oldest. Sunod si Crius na isang taon lamang ang agwat sa kanya, and then Roche who's also one year younger than Crius. At si Riven na kaedaran ni Roche.

Daciana is one year older than me and she's already a college student. Kaming dalawa ni Anzai ang nakaka relate sa isa't isa since we are both home schooled.

Isa pa... I know him since I was young. Noong buhay pa ang aking parents, madalas maimbitahan ang aming pamilya sa party ng kanilang mansyon. His mother knows my mother as well. Ganoon din si Dad at ang aking Daddy.

I could vividly remember it because those were the moments I cherish with my Mom. Ang huli kong balik doon sa kanila, ay iyong kasama ko na si Tito Wesley. Hindi na nga lang ako bumalik ulit dahil...

"So... tell me about your XXL since tayo tayo nalang naman din. Girl's talk," ngisi ni Daciana nang nilingon ko si Riven.

She realized what I'm about to say kaya umirap siya.

"Riven is fine. May boundary naman 'yan always. He's not like Roche na laging may nasasabi pagdating sa boys. Same as Crius."

I don't know if it's because of the alcohol, or I'm really eager to talk about Caden at the moment.

"'Yung barkada ng ex mo," deritso kong sabi.

I saw Riven's eyes at the mirror. Namimilog naman ang mga mata ni Daciana.

"What?! Alin doon? The Chinito?! Si Castel?! Oh my god, you bitch. Mga playboy ang mga 'yon!"

Playboy? See... Dinideny lang siguro nitong si Caden to put up a front that he's a good boy pero nakalimutan siguro na ex ng kaibigan niya ang kakilala ko.

"Alin doon?!" she's now hysterical. "Baka 'yang ex ko 'yan ah?"

Umismid ako. That's not on my vocabulary. But her ex is one of the men I need to search about the background.

Hindi ko naman kasi sinabi sa kanila ang parteng iyon. Ang sinabi ko lang, Tito Wesley is setting me up into a fix marriage. Wala silang alam na naghahanap ako ng justice para sa parents ko, lalo na si Crius.

"'Yung Delafuente," matabang kong bigkas at naramdamang nagbeep ang phone ko.

"Si Caden?! A fucking Delafuente?!" mas hysterical ang reaksyon niya ngayon kumpara sa nauna.

Riven glanced at Daciana for a while. Abala naman akong basahin ang text ni Cade.

Unknown:

'Yung asungot na nakaakbay

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon