10th Blinded

16.7K 703 135
                                    

Available

The school started. Everyone was starting to get busy. Madalang nalang ang pagpunta sa warehouse lalo na't mas gusto na ng mga girls sa apartment ni Riven.

Nasa dulo lagi ng dila ko ang sabihin kay Caden na pati na rin sana ang impormasyon ng mga magulang ni Davin at Castel. Ngunit kung sasabihin ko 'yon, para ko na ring unti-unting pinasilip sa kanya ang buhay ko.

He's consistent. Minsan ako nalang ang napapagod sa mga panliligaw niya. Kahit estudyante siya, alam niya kung paano ako bibigyan ng oras.

Caden:

Yup. I checked on her. Pinagkakaguluhan.

We were texting, and I told her that Aki just enrolled in their school.

Pumayag din si Glen na magtrabaho siya sa Bar. Iyon nga lang, it created a small problem lalo na't mas umusbong ang mga sabi sabi nila Kyrie sa akin na may espesyal daw na namamagitan sa amin ni Glen.

I am favored by him. Among her primary model, I am his favorite. Coz of course, we both know each other's secrets.

"Sasama kang Davao?" tanong ko kay Aki sa gabing iyon.

She shook her head. "Hindi na. Tama na 'to."

Alam kong nahahalata niyang pinag-iinitan din siya ng iba dahil sa akin. That she's easily favored by Glen because she has a connection to me.

"Malaki ang sweldo pag travel na," sabi ko habang ina-arrange naming dalawa ang inumin sa stock room.

Tumingin siya saglit sa akin ngunit umiling ulit.

"Ayos na 'to. May banda rin naman ako."

Pinakawalan ko rin naman at pumayag sa gusto niya. Lumabas kaming dalawa at nakita si Brylle sa countertop.

He's Glen's brother. Pairap agad akong umiling nang ngumisi siya at naglakad patungo sa akin.

"I'm busy, Brylle."

Humalakhak siya. "Alam mo, Kesley, minsan napapaisip na ako kung ba't ang bait mo kay Kuya pero masungit ka sa akin?"

Sumenyas si Aki na siya na ang kukuha sa ibang orders. Tumango ako at tinaasan ng kilay si Brylle. Pansin ko pa ang buhaghag niyang buhok at ang kaonting hickey sa dibdib lalo na't bukas ang butones ng kanyang t-shirt.

"Go home, Brylle," saka ako pumasok sa stock room nang makalimutan ang record na sinulat ko.

"Pa Davao raw kayo this week eh. Nanghihingi pa ako ng permiso kay Kuya na hayaan akong sumama..."

Hindi siya pasasamahin dahil manggugulo lang 'yan doon.

Hindi ako sumagot doon lalo na't hinagilap ko pa ang record. Noong makita iyon ay kinuha ko na.

Nakasunod siya sa akin nang lumabas kami.

"Ganda mo," bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

He was crouching so when I glimpse at him, I didn't notice his face. My eyes widened when we almost kiss. 

Mabilis akong lumayo. Kumurap si Brylle at nahaplos ang labi, nangingiti at nagugulat.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon