9th Blinded

16.9K 687 155
                                    

Morning

"Introduce us, Cade," halakhak ni Castel habang nagsasalin ng inumin.

Caden just smirked and glanced at me.

"These are my friends. Si Davin, that chinito Silas... and Castel," he pointed them out one by one nonchalantly.

Ngumuso si Castel, nag-aambang maglahad ng kamay na tinanggap ni Caden.

"And I'm courting her," he said, like a territory he just marked as his.

Oh... what the hell.

"Oh..." Davin gasped at nakipag high five kay Silas na humagalpak din.

"For a Delafuente who would court a girl, you know it's deep," si Silas na natatawa at inilahad kay Caden ang shot.

"Run miss. Itatali ka niyan," biro ni Castel.

"Bro this is Caden we are talkin' about! Hindi 'to naggigirlfriend, Miss!" sabay akbay ni Silas sa kanya.

"Kompletuhin mo, Silas. Baka anong isipin niya," si Caden naman na nasa labi pa rin ang ngisi.

"Yup. He's not a playboy," dugtong ni Silas.

I only smiled. Pumunta ako rito para sana kumuha ng impormasyon sa kanilang tatlo pero hindi ko inaasahang ganitong klaseng impormasyon ang makukuha ko.

It's all about Caden! I don't even care if he's a playboy, a fuckboy, or his background with girls in the past. That's my least concern here.

Wala na ata sa isip ko ang mga pinagsasabi nila. Pinapapasok ko nalang sa kabilang tainga, at pinapalabas din.

"Who's your parents by the way?" si Davin ang biglaang nagtanong.

Napatingin sila sa akin, medyo naantala ang topic kanina at nakaabang sa sagot ko.

It took me seconds to answer. Nang mapansin ni Caden, inilingan niya si Davin. Tila ba naging sapat na iyon para tumango nalang si Davin at nginitian ako.

"Nasa nakaraang party ka sa Cebu, hindi ba? This year, saan kayo?" Silas asked, tila ba may ideya siya sa agency namin.

"Mukhang target ng Manager namin ngayon ang Davao," I said.

"Oh... Davao. Maganda ang mga beach doon," si Davin.

"Man... Siargao is the best. I surf there last year. Ang lalaki ng alon," simsim ni Castel sa kanyang drinks.

"Nakapunta kana roon, Kesley?" si Silas nang tingnan ako.

I smiled and shook my head. His brow shot up.

"You should try it..."

I nodded at him, smiling. Binasa ni Caden ang labi at titig na titig sa pagngiti ko.

I can't keep up with the boys' talk knowing that Caden seems to be keeping an eye on me. Damn it.

Sa huli, sumuko rin ako at halos seryoso na ang mukha nang ihatid niya ako pauwi. Our drinks were sold out and we got more orders too. The first night is successful. Matutuwa na naman si Glen at magniningning ang mata noon. His business is growing.

Ako:

Sold out, Glen.

Tahimik kami sa kotse ni Caden. Nasa kalsada ang kanyang tingin at medyo seryoso rin. Napapansin ko ang anggulo ng pagiging masungit niya kung hindi siya ngumingiti o humahalakhak.

He never intimidated me since day one. Siguro dahil nasanay ako noong unang kita ko sa kanya, mayabang agad ang ngisi, madalas ang paghalakhak, at mukhang kalmadong tao.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon