2nd Blinded

28.7K 831 219
                                    

Trauma

The chill music of the Bar boomed. Kadalasan sa mga narito ay ganitong ambiance naman talaga ang habol. 'Yung hindi masakit sa tainga ang tugtog at kalmado ang paligid.

Pansin ko ang paninitig ng nagngangalang Caden na inuukupa ang kabilang table kasama ang kanyang mga kaibigang kamuntik nang makainitan nila Crius.

Si Daciana ay nakaupo na sa table nila Crius at sa kanyang ngisi, sa pagturo turo sa mukha ni Roche, mukhang nakahiligan niya na naman asarin. Crius is busy scowling, Anzai with his phone, and Roche lifting his brow from time to time.

Bumalik ako sa counter habang si Glen ay nasa loob na ata ng storage room at may chi-in-eck lalo na't hindi ko namataan ang iilang lalakeng waiter dito sa loob.

Halos lima kaming girls na abala sa pagkuha ng mga orders. Hanselle elbowed me lightly. Taka ko siyang nilingon habang nag-aasikaso kami ng mga orders sa counter nang may nginuso siya.

I followed what she meant and saw the table of Caden while one of his friends was raising his hand.

"Ikaw na..." bulong ni Hanselle sa medyo nag-aalangang tinig.

I sighed and had no choice but to do it. Ayaw ko namang makatanggap ng reviews na mababagal ang mga empleyado dito.

I went into their table with my small notebook and a pen to take down their order.

As soon as I stopped infront of them, kita ko agad ang pag-angat ng tingin noong pinagalanang Caden ni Daciana. He nibbled his lowerlip and shifted to his seat a bit.

"Your order, Sir?" I asked formally.

Ang chinito ang sumasambit ng kanilang inuming gustong order-in habang humahagod ang mga mata ni Caden sa akin. His friend elbowed him and whispered something. He chuckled a little and licked his lip in a sensual manner. Sumabay pa ang kinang ng suot niyang earring sa kabilang tainga kaya mas naging kaakit akit siyang tingnan dahil na rin sa neon lights ng loob na humahalik sa kanya.

Are they... talking about me?

As much as I want to glare at him, nananatili ang aking ekpresyon at sinubukang suotin ang palakaibigang mukha kahit doon ako pinakahirap. I am always labeled as the snobbish models among us because of my fierce eyes and cold expression.

"My call," Caden said to his friends and took his wallet out.

They nodded at him for doing that. Tss. Yabang.

I said my usual script after taking the orders of the customers and went back into the counter with Caden who's walking behind me.

Iginiya ko siya sa harap ng cashier para sa payment. He rested on his elbow on the counter as he nibbled his lowerlip and played with his card by tapping it.

Prinoseso ang kanyang payment. I caught him stealing glances at me while I'm busy infront of our bartender for their order of drinks.

"Table eight," I murmured and placed the note.

"Oh? Ngiti naman, Kes... Nagiging kamukha mo ang mga kaibigan mo. Nakakatakot na rin," halakhak ni Peter at kinuha ang note.

As much as I want to suggest to add some seasoning on that jerk named Caden just because I caught them whispering and laughing at me, I controlled my anger. At hindi dapat ganoon, Kesley... that's unprofessional.

Caden change his position and leaned against the counter, his elbow resting on each sides while he's still stealing glances at me. Nakakaaasiwa na minsan lalo na't sa tuwing mahuhuli ko siya, dahan dahan niyang kukunin ang tingin at kakagatin ang labi.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon