13th Blinded

20.3K 720 118
                                    

Pass

I noticed that he was a bit distracted that night. Noong magsimula na ang party sa loob ng Club Echelon at abala ako sa ginagawa, nasa sarili siyang sofa bilang VIP, may drinks sa table at nakasunod lagi ang tingin sa akin.

Nakakapaso ang paninitig niya. Some would block his gaze for a while because of the group of girls wanting to converse and socialize with him on his own table, but he would shake his head and smile at them while pointing at me. Ilang beses akong nililingon ng mga girls at lagi kong nababasa sa labi niya ang 'that girl' na hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

The thing I like about him is that he knows how to stick to his words. When he tells you he won't entertain other girls, he won't. It's like he's going to stand by every word he said to you, so even if you break him, his words will remain whole and unbreakable.

Hindi siya tumatayo roon, hinayaan ako sa pamimigay ng coupons para sa gustong mag-avail ng drinks namin at sila Hanselle naman para sa discounts.

"Ikaw rin 'yon kahapon ah?" nangingiti ang lalake nang maglahad ako ng coupon at tinatanggap niya iyon.

I could smell the alcohol in him from the way he looked at me drunkenly. Sa isang kamay ay may hawak siyang bote ng bacardi na hindi pa bukas.

"You can avail of our new drinks if you like, Sir," I said, handing out the coupons.
Bumaba ang tingin niya roon, tinanggap iyon, ngunit hinawakan din ang aking kamay.

"Paano kung ikaw ang gusto kong i-avail kaysa sa drinks? Ikaw ang gusto kong tikman?" ngisi niya.

The place is crowded and they won't even hear him. Ngunit dahil sobrang lapit niya, at kahit dim ang paligid, kita ko ang kalasingan sa titig niya.

Binawi ko ang kamay ngunit hinigpitan niya iyon.

"Sige na. Pakipot ka pa. Kahapon ka pa eh. Ayaw mo niyan... I recommend kita sa marami kong friends. My father is influential, Miss. He's a governor."

His grip was tight. Ramdam ko ang pamimilit. Nilingon ko si Glen ngunit hindi ko alam kung nasaan. Hanselle and Kyrie were busy at the entrance, while I'm here in the corner, far from them.

"Let me go, Sir," sabi ko sa matigas na tinig nang maramdaman ko na babastusin niya na ako.

"Come on. My car is parked outside. Pagbalik mo rito mamaya, uubusin ko na ang binebenta mong drinks," he smirked more deviously.

Sa iritasyon ay gusto ko siyang itulak, ngunit bago pa man magawa iyon, naunahan na ako.

He pushed his chest and stood in front of me. Ang malapad na likod ni Caden ang nakaharap ko habang hinagilap ng kanyang kamay ang aking pulso at hinawakan iyon.

"Gago ka ah? Bakit ka nakikialam?" The guy spat and sounded so mad.

"She's not comfortable. Learn to respect it," seryoso ang tinig ni Caden.

I heard a loud crashing of glasses, like something was breaking. Noong lumingon ako sa harap, nakita ko na ang hawak niyang bacardi na basag, ang dulo ay matulis na itinuro niya kay Caden.

My eyes widened. Some of the crowd who heard it panicked a bit too.

Caden remained calm and gripped my pulse more so I could stay behind him.

"Sir," ang mga bouncer na agarang nakita ang kaguluhan at nagsilapitan.

"Gago ka! Pakialamero!" he shouted while he was being restrained by the bouncers.

"Bawal manggulo dito, sir," said the bouncer, na hinihila na siya.

Caden chuckled a little and shook his head. His laugh drove the man to get more angry.
He was trying to get away from the bouncers, but there were more guards who stopped him. Bumaling na si Caden sa akin, kalmado pa rin.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon