"Poresa, nakapagbayad ka na ba ng tuition mo para sa second semester?" bungad na tanong sa akin ni Yumi.
Tinapunan ko nang tingin si Yumi bago sumagot.
"Not yet. Hindi pa ako binabayaran ni tita Hilda sa utang niyang five thousands, eh," sagot ko.
I already saved my money for my tuition fee last month. But tita Hilda asked me if I can lend her some. Kailangan daw lang ni tito Erwin dahil may kailangang bilhin para sa shop niya rin. Hindi na naman ako nagtanong kung ano at pinautang na lang si tita kaagad.
Ang sabi niya kase ay babayaran niya rin sa katapusan kapag nakabawi na ang flower shop niya. But another month came in yet she didn't pay me. Maayos naman ang takbo ng negosyo niya kaya napapaisip tuloy ako.
"Paano 'yan? Ilang buwan na lang matatapos na ang taon na ito. You need to pay for it before the registrar kick you," she said.
Naisip ko na rin 'yan. Ilang buwan na lang at tutungtong na ako ng fourth year.
"I will ask tita later. Baka naman may pambayad na 'yon. Naibili nga nila si Eunice ng bagong laptop, eh," ani ko.
Mabilis na napalingon sa akin si Yumi.
"Seryoso ka? Ang bubuyog na 'yon may bagong laptop na naman?" tanong niya.
Nagtango lang ako ng aking ulo sa kanya.
Wala naman akong magagawa roon. Eunice is their daughter so they spoil her so much. Kaya nga minsan hindi ko maiwasan ang mainggit.
She's lucky that she have her parents. Hindi kagaya ko. If it wasn't just because of that, my mother is probably combing my hair until now. May nanay pa sana akong matatawag.
Tumayo ako at inayos na lang ang uniform ko.
"Alis na ako, Yumi. Magbabantay pa ako sa shop ni tita, eh," ani ko.
Tumayo na rin siya mula sa bench at kinuha ang bag niya.
"Sige... May lakad pa rin kase kami ni Nathan," aniyang ikinaismid ko.
May lakad na naman sila? Halos araw-araw na lang, ah? They went on a date yesterday and they're going again? Aren't they sick with each other's faces?
From school, until they went out. Magkasama na sila. Magtatawagan at lalabas ulit. Uuwi at magti-text ulit bago mag-date na naman. And then the next day, they'll see each other again since they're studying in one university. And take note! They are in the same course! BS in Business Administration major in Financial Management!
Kung ako 'yon, baka hindi ko nga tagalan ang kahit ilang oras lang.
Nagkibit na lamang ako ng aking balikat bago muling magsalita.
"Mag-ingat kayo," I said before turning my back at her.
Mabilis akong naglakad palabas ng eskwelahan at tumawid sa kabilang kalsada. Pumara ako ng tricycle bago nagpahatid sa Dalakit kung nasaan ang shop ni tita.
Nagbayad ako nang bente pesos bago bumaba. Nang nasa harap na ako ng shop ay dumiretso ako ng lakad sa may pinto. I opened the door gently. I immediately saw tita Hilda on her table wearing her reading glasses.
"Tita," I called her.
Mula sa suot niyang salamin ay kita ko kung paano mapunta sa akin ang mga tingin niya. I did my best to stay calm as I stared at her back.
"Ayusin mo na ang mga bulaklak sa labas," utos niya agad sa akin.
I nodded my head at her as an answer but I didn't move yet. Nakatayo pa rin ako sa may pinto at nananatiling nakatitig sa kanya.
YOU ARE READING
The Shattered Pieces
RomanceShattered life. Shattered soul. Shattered heart. Existing upon hardships, living despite unfaithful fate. Delving for acceptance is what Haite Forysthias Derillo's been asking. Stuck between her dream and her love, chained by a strangling fate. The...