"Magkano po ba ang pulang rosas na nasa kanan po?" tanong ng batang lalake na sa tingin ko ay nasa disisais anyos pa lamang.
Nilingon ko ang bulaklak na itinuturo niya at nakitang isa iyon sa mga bulaklak na kadi-deliver lang kahapon.
"One hundred fifty ang bungkos niyan," turan ko sabay lapag ng paso sa estanting may mga orchids.
"Wala po bang tawad, Ate? Iriregalo ko sana sa lola ko po kaso kulang ang budget ko," abeso nito sa akin habang kinakamot ang likod ng kanyang ulo.
Umangat ang gilid ng labi ko dahil sa paliwanag niya para makahingi lang ng discount.
"Ano ba pangalan mo?" tanong kong mabilis niyang sinagot ng may nahihiyang ngiti sa labi.
"Enoch po, Ate, taga Vigan po," anito na siyang ikinangiti ko.
"Magkano ba pera mo, Enoch?" sita ko bago humakbang pakanan at kunin ang bulaklak na itinuro niya kanina.
"Isang daan lang po, eh," sagot niya sa akin.
Ramdam kong sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko kaya hindi ko mapigilan ang napatawa ng mahina. Inabot ko ang diyaryong nasa ibabaw ng lamesa bago ibalot doon ang mga bulaklak.
Humarap ako sa batang nasa likuran ko kanina at inabot ang hawak ko.
"Oh, heto..." I extended my arm and handed him the flower. "One hundred na lang 'yan. Para naman sa lola mo 'yan, eh," sabi ko bago niya ilahad sa akin ang perang bayad niya.
"Salamat po, Ate ganda!" masayang sigaw niya sa harap ko bago tumakbo palabas ng flower shop habang naiwan naman akong nakatayo sa puwesto ko.
Ala singko na ng hapon kaya nag-desisyon na akong magsara. Ipinasok ko ang mga bulaklak na inilagay ko sa labas bago pumasok at mag-ayos. Kinuha ko ang sling bag ko bago ilagay iyon sa katawan ko at lumabas na.
Pumara ako ng tricycle na bumabiyahe papuntang Calumutan at sumakay doon. Nagpababa ako sa may tawiran ng mga bangka at naghintay ng ilang segundo bago makasakay ng sampan patungong Pangpang.
The stinky feeling brought by the waves that somehow hits my skin, it made me feel like in spite of what happened, I still done everything very well.
Ang tunog ng bangkang sinasakyan ko sanhi ng makina maging ng alon na sumasalpok sa kahoy ay naririnig ko. The tender whisper of the wind that made my hair flew, the bare rays of the setting sun on the south that gives a reflection on my eyes, it was so serene.
Humarap ako patungong kanluran at bahagyang umupo sa gilid ng kahoy habang ang kanang kamay ko ay nasa tubig at dinarama ang bawat hampas no'n.
I didn't know that after all those years, my feet would brought me here. A place where I know no one. It was scary. I must admit. I didn't know on how to get going and how should I begin again. But I was grateful that they didn't left me.
Akala ko no'n ay dahil sa napatay ko si Papa ay tuluyan na ring mawawala sa akin ang lahat maging ang pamilya ko. Hindi ko man naabot ang bagay na pinapangarap ko, ay malaki ang pasasalamat kong malaya na ako. Alam kong hindi lang sa tulis ng panulat at maging sa puti ng papel iikot ang mundo ko, ngunit kahit alam kong gano'n, nasa loob ko pa rin ang lungkot at panghihinayang.
Within the past six years, spending my days, hours, minutes, and seconds beneath the thick steel and unbreakable limbo for the long three years and four months, I never thought I'd still have the chance to go and be free. It was tough. It really was.
Naramdaman ko na lamang na tumigil na ang bangka makalipas ang ilang minuto kaya tumayo na ako. Naunang bumaba ang mga driver ng motorsiklo kaagapay ng kanya-kanyang sasakyan bago ang ibang pasahero. Nanatili muna akong nakatayo bago gumawa ng mga hakbang.
YOU ARE READING
The Shattered Pieces
RomanceShattered life. Shattered soul. Shattered heart. Existing upon hardships, living despite unfaithful fate. Delving for acceptance is what Haite Forysthias Derillo's been asking. Stuck between her dream and her love, chained by a strangling fate. The...