"Pres, kakanta ba ang banda para sa coronation night sa susunod na buwan?" I heard one of the seniors asked that.
Kaagad akong nagbaling ng tingin kay Yumi na nasa tabi ko at kagat-kagat ang ballpen niya habang nakatuko ang mga braso niya at maiging nakikinig kay Pres. Yumi is one of the members who has the voice. Kaya baka intresado siya at magpresanta pa. After all, she love singing.
Tinuki ko siya gamit ang kanang siko ko. Bahagya akong napatawa nang muntik pa siyang mapasubsob sa lamesang kaharap namin.
She eyed me. I just tilted my head on the side and grin at her.
"Bored ka ba, Poresa? Kita nang seryoso ako rito, eh," aniya.
Kibit balikat lamang ang ginawa ko bago magsalita.
"Kakanta ka?" tanong ko kay Yumi.
Tumigil siya sa kangangatngat ng ballpen na nasa bibig niya at inilagay iyon sa notebook na nasa lamesa.
She stared at me.
"Sana..." she whispered. "But I think it suits you better," she said that made me look at her questioningly.
"Bakit naman?" kuryusong tanong ko.
She crossed her legs and looked in front where Samuel's busy announcing and discussing something. Especially for the two new member of the club from freshman and sophomore.
"'Di ba pangarap mo ang kumanta?" she asked. I nodded at her. "Narinig ko kase na baka gawan ng album ang lahat ng kanta ng banda tapos ipapasa sa audition sa company nina Hartley. You know that it's a big shot since their company's doing great as of now," she stated that made me realize what she meant.
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Yumi. It's good. Baka nga magkaroon pa ako ng pagkakataon na makakanta sa harap ng mga tao at sa ilalim ng ilaw. Pero kase...
"But I need to do a part time. Hindi pa kase nagbabayad si tita sa utang niya, eh," nasabi ko na lamang.
"I can lend you some. Tutal naman ay magkaibigan tayo, ano," napangiti na lang ako sa sinabi ni Yumi.
"No, thank you..." ani ko. "Hindi pa nga ako nakakapagbayad sa ginastos mo para sa research, eh," dugtong ko sa kaninang sinasabi ko.
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay niya bago pangliitan ng kanyang mga mata.
"It was only around two hundred pesos and you're making it a huge deal. Really, Poresa?" sarkastikong tanong niya sa akin.
Kahit na ba. Ang utang ay utang, ano. I just can't take it and say my thank you to her when I was the one who said that I'd borrow it.
I shrugged my shoulder.
"Even so... Two hundred is still a money, Yumi..." untag ko pa.
Ramdam kong aangal pa sana siya sa sinabi ko nang biglang magsalita si Samuel na siyang umagaw sa atensiyon ko.
"Our band will perform next month. And for the next day after that night, for all the interested member here, we can rehearse a song for the performance on Ms. Agnais wedding anniversary. She's the head of executive in our campus and she told me that she'll pay an enough amount of money if we will."
Hala... Seryoso 'yan?!
Dapat pala sumali ako para naman makabayad na ako sa tuition ko. Hindi na rin ako mahihirapan kung sakali. I just need to manage my time correctly so I can do both academic and the club.
Napatingin ako sa sapatos kong gumagawa ng ingay.
But I don't think Tita Hilda will stay calm if she find out. Sigurado akong magbubunganga na naman 'yon kapag nalaman niya. Matabil pa naman din si Eunice at paniguradong magsusumbong ang isang 'yon.
YOU ARE READING
The Shattered Pieces
RomanceShattered life. Shattered soul. Shattered heart. Existing upon hardships, living despite unfaithful fate. Delving for acceptance is what Haite Forysthias Derillo's been asking. Stuck between her dream and her love, chained by a strangling fate. The...