KABANATA 11

72 6 0
                                    

We were both quiet while we were walking. Hindi ako nagsasalita at gano'n din siya simula pa nang makaalis kami ng bahay. I was on the left side while he was on the right side. Tanging selpon lamang ang dala ko at singkwenta pesos na nasa bulsa ko.

Bigla akong tumigil nang makita kong tumigil din siya. Pumara siya ng tricycle at kaagad namang iyon tumigil sa harap namin.

"Dalawa ho papuntang karenderya sa Dampog," ani Samuel sa driver.

Napanguso na lang ako.

"Sa loob ka na. Isa lang ang bakante, eh. Ako na sa labas," aniyang nakalingon sa akin.

Mabilis akong nagtango ng aking ulo bago humakbang papalapit. Tumabi si Samuel at hinawakan ang likod ko para alalayan ako sanhi kung bakit ako biglang natigil.

"Be careful, Poresa. Baka mauntog ka," saad niya habang ang isang kamay ay nakaharang sa bubong ng tricycle.

Hindi na lang ako umimik at pumasok na lang. I saw a girl looking at Samuel from the window when I was inside. Biglang umangat ang parehong kilay ko sa tingin ng babae sa kasama ko.

Nang makasakay na si Samuel ay umandar na ang tricycle. It was minutes before the girl made a stop in front of Mang Inasal. Ang akala ko ay aalis na agad iyon nang marinig kong parang may kausap si Samuel sa labas.

Sa kuryusidad ko ay sinilip ko iyon. I saw the girl talking to Samuel and smiling while handing her phone to him.

"My apology. But I have a girlfriend," I heard Samuel said.

Pakiramdam ko ay biglang tumalon ang puso ko sa narinig ko.

"Oh, I'm sorry..." Alanganin ang ngiting ani ng babae.

Nang umalis na ang babaing kausap ni Samuel ay mabilis akong umayos ng upo sa loob. Akala ko ay hindi siya lilipat ng upuan nang makita ko siyang papasok na.

"Move a bit. I'll sit beside you," he said.

Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. He stared back at me.

"Sige na. Baka pumara 'yong mga 'yon, oh," sabi niya ulit sabay turo sa harapan namin.

Tinignan ko naman kung ano ang sinasabi niya. I saw group of college students standing on the waiting shed near the mall. Sa nakita ko ay umusog ako nang kaunti para bigyan siya ng ispasiyo. Nang makaupo na siya ay agad niyang sinabihan ang tricycle driver.

"Tara na ho, Manong," saad niya.

Tumunog ulit ang sinasakyan namin at nagsimulang umandar. It was a good thing that no one among the students tried to stop the cab.

It was only minutes when we arrived at Lutong Dampog Eatery. Akmang paparada na iyon nang biglang may isang tricycle ang biglang sumingit sa harap namin dahilan kung bakit biglang napapreno ang driver ng sinasakyan namin.

I almost hit my forehead on the metal blocked if Samuel's arm didn't held me to stay still on my spot!

"Shit!" dinig kong mura niya.

Napakuyom ako ng mga palad ko dahil sa kaba na bigla kong naramdaman.

Anak ng kalabaw talaga...

"Are you alright, Poresa?" alalang tanong niya sa akin.

Hindi ako nagsalita at nagtango lang ng aking ulo. I was afraid that if I speak, I will just embarrass myself for stammering in front of him again.

"Ay, potangina naman ng isang 'to!" sigaw ng driver mula sa loob.

I shook my head hearing what the driver said. Inuna pa ang magmura kaysa sa kumustahin ang pasahero niya.

The Shattered PiecesWhere stories live. Discover now