"Yumi, you should stop, okay? Tama na, Yumi," mahinang alo ko sa kanya.
Nasa apartment niya ako ngayon at kasama siya. Naisipan ko lang ang bumisita dahil ilang araw na rin siyang hindi pumapasok ngunit hindi ko naman inaasahan na ito ang bubungad sa akin pagkapasok ko.
The moment I entered her apartment, I immediately heard the sound of her sobs coming from her room. Bigla akong ginapang ng kaba nang marinig ko ang bawat impit ng kanyang pag-iyak.
Humakbang ako papalapit sa pinto ng kwarto niya at hinawakan ang doorhandle upang buksan iyon. Maluwag akong napahinga nang maramdaman kong hindi iyon nakakandado kaya itinulak ko iyon papabukas.
On the corner of her bed near the lampshade that gives a melancholic ambiance of the room, I saw Yumi in her toes while trying to cover her face to stifle the sounds of her cry. I was stopped from going near her when I remembered the possible reason why she was like that.
Nathan...
Sa bawat tunog na ginagawa ng kanyang pag-iyak ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. Takot maging para kay Yumi at takot maging para sa sarili ko.
"Yumi..." mababa ang tinig na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko.
Mabagal siyang nag-angat ng kanyang ulo upang tignan ako na nasa may pinto pa rin at nakatayong tinititigan siya. Sa madilim na kwarto niya at tanging ang kulay dilaw lamang na ilaw na nagmumula sa lampara sa loob ang nagbigay liwanag sa mukha niya.
Despite the dim light coming from the lamp, her face with her tears flowing across her face couldn't be hidden. Her eyes that was staring at me sparkled with an unshed tears on the corner of her eyes. I couldn't help myself but to feel pity for Yumi...
"P-Poresa..." garalgal ang boses na tawag niya sa akin.
Naramdaman kong parang may humawak sa puso ko para makaramdam ng sakit nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko.
"Tell me what happened, Yumi, hmm? Come on, stop crying for your baby," I said as I look down at her belly.
Nagpilig siya ng kanyang ulo na animo'y umaayaw. Ang kaninang impit niyang iyak ay unti-unting lumakas hanggang sa maging hagulgol na iyon. Humakbang na ako papalapit sa kanya at kaagad na sumampa sa kama at niyakap siya.
Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang damayan si Yumi. Wala akong alam kung paano ko maipaparamdam sa kanya na nasa tabi niya ako bilang isang kaibigan niya. All I know was that, being with her and hugging her might lessen her pain so I did.
"It's okay... It's fine, Yumi... Just cry..." ani ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
I didn't know what was on my mind that day. Basta ang alam ko ay pagkagaling ko sa apartment ni Yumi nang umagang iyon ay dumiretso ako ng tungo sa campus para hanapin si Nathan.
Alam kong galit ako. Galit at naiinis ako dahil sa kinahinatnan ni Yumi dahil sa kanya. He shouldn't let my friend be like that. Ginusto niya ang gawin ang bagay na iyon at sino siya para takbuhan ng gano'n lang ang dapat na responsibilidad niya?
Nasa may department pa lang ako ng engineering nang mahagip ng mga mata ko si Nathan na may kasamang dalawang babae. Agad akong tinablan ng inis dahil sa gagong 'yon!
Mabilis akong naglakad patungo sa tatlo at tumigil isang metro ang layo mula sa kanila. Both of the girls looked at me like I was some kind of hindrance while Nathan stared at me with his irritating expression. Napaangat ako ng kilay ko at humakbang pa palapit sa gago.
"What do you want?" animo'y bagot na tanong niya sa akin.
Mapakla akong napatawa dahil sa tanong ng mokong sa akin. Tinignan ko muna ang dalawang babaing kasama niya bago ako magsalita.
YOU ARE READING
The Shattered Pieces
RomanceShattered life. Shattered soul. Shattered heart. Existing upon hardships, living despite unfaithful fate. Delving for acceptance is what Haite Forysthias Derillo's been asking. Stuck between her dream and her love, chained by a strangling fate. The...