"Yumi?" tinapik ko ang likod niya nang makita ko siyang parang naduduwal na ewan.
Hindi niya ako nilingon at sumenyas lamang na bumalik ako sa pila. Nangunot ang noo ko dahil sa hitsura niya na mukhang may sakit at namumugto ang mga mata.
"Masama ba pakiramdam mo, Yumi?" nag-aalalang tanong ko.
Hindi ko talaga kase mapigilan dahil sa putla niya na animo'y sa kahit anong segundo ay bigla na lang mawawalan ng malay.
"I'm good, Poresa. Baka may nakain lang ako," mahinang sabi niya na muntik ko pang hindi marinig.
Sa pag-aalala ko ay umalis ako sa pila at marahan siyang hinatak paalis doon. Naglakad ako patungo sa madalas naming puwestuhan dito sa cafeteria at pinaghila siya ng upuan.
She looks sick. Parang may sakit talaga ngunit hindi ko naman alam kung bakit pati mata niya ay namumugto rin. Malabo naman yatang nag-away sila ni Nathan dahil hindi pa naman sila nag-aaway kahit no'n.
"Just stay here. Kukuha lang ako ng tubig," sabi ko sabay tayo at iniwan siya.
Dumiretso ako ng lakad papunta sa may water despenser at kumuha ng plastic bottle na naroon. Pinili ko ang mainit na tubig at pinatakan din ng malamig bago bumalik sa puwesto ni Yumi.
Tinatanaw ko siya habang naglalakad pabalik sa kanya. She was on her arms while leaning on the table. Mas binilisan ko pa ang lakad ko habang nakatingin lang sa kaibigan ko.
"Yumi, inom ka muna..." inilagay ko sa lamesa ang tubig na kinuha ko.
She lifted her chin and looked at me weakly.
"I want to go home, Poresa. Inaantok ako," halos bulong lang na aniya sa akin.
"Ihahatid na kita," ani ko.
Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko sa kaliwang balikat ko bago kunin ang bag ni Yumi at ilagay din iyon sa kanan.
"Ako na magdadala. 'Di ka na makatayo ng maayos, eh," sabi ko sabay angkla ng kamay niya sa braso ko.
We were heading our way to the building of COED when Yumi suddenly stopped walking. I stopped as well and looked at her beside me.
"S-sandali lang..." awat niya sa akin.
Kaagad naman akong tumigil at hinawakan ang likod niya. We were probably standing for at least ten seconds on the hallway while the other students where busy coming and going when Yumi lost her consciousness.
"Yumi!" sigaw ko dahil sa pagkataranta.
I didn't know what to do. Basta hiwakan ko na lang siya sa likod niya at ginigising. It was a good thing that one of the students passing by stopped and helped me. Binuhat niya sa likuran niya ang kaibigan ko at mabilis na itinakbo sa clinic.
Humahangos akong tumigil sa loob at mabilis na ituro ang lalaking buhat-buhat ang kaibigan ko.
"Nawalan ho ng malay," agad na sabi ko habang mabibigat ang paghinga.
The nurse pull out a stretcher and made the boy who was carrying Yumi to laid my friend down. Nang maihiga na si Yumi sa stretcher ay tumingin sa amin ang babae.
"You two can go out. I'll call you when I'm done," she said.
Nagkatinginan kami ng lalaking kasama ko bago sabay na lumabas sa room. Nang nasa labas na kami ay agad ko siyang hinarap para magpasalamat.
"Ahm, ano, salamat nga pala sa tulong mo," I said. Thanking him for helping me bring Yumi to the clinic.
Nahihiya siyang ngumiti sa akin. I bet he was a sophomore based on his school ID. Educ student din kagaya ko ngunit hindi ko siya kilala.
YOU ARE READING
The Shattered Pieces
RomanceShattered life. Shattered soul. Shattered heart. Existing upon hardships, living despite unfaithful fate. Delving for acceptance is what Haite Forysthias Derillo's been asking. Stuck between her dream and her love, chained by a strangling fate. The...