"I'm sorry guys." kaagad kung hingi ng paumanhin sa mga kaibigan ko ng maka uwi na ako pagkatapos ng mahaba naming kuwentuhan ni Nathan.
"What happened to you earlier? Tsaka bakit bigla ka nalang umalis kanina ng hindi manlang nagpapa-alam sa amin? Seriously Archie, ano ba talaga ang problema mo?" kahit palaging seryuso si Monicha kung magsalita, halata pa rin namin kapag totoong galit na siya kaya. And hearing that kind of tone she's using on me, kaagad akong naalarma at bigla na lang napaluhod sa kanyang harapan.
"Hindi ka na lang bata para kaagad nalang na mag wowalk-out kapag may hindi nagustohan. Oo hindi masama ang paminsan-minsang umaktong bata, pero Arcenith, hindi rin ibig sabihin nun na sa lahat nalang ng oras na gustuhin mo, magiging isip-bata kana, ikaw yong nakatatanda sa atin dito kaya umakto ka ayon sa edad mo!".
Gulat na kaagad akong napatayo dahil sa kanyang sinabi. Simula ng maging magkaibigan kami ito yong unang beses na tinawag niya ako sa totoo kong pangalan, kaya sigurado akong galit nga siya talaga sa'kin.
At dahil sa biglaan kung pagtayo kaagad na naalarma ang iba naming kaibigan dahilan upang pumagitna sila Mariannelle sa pagitan namin at hinaharangan kami na para bang umaawat sila ng nag-aayaw.
"Monicha!"
"Oy guys!"
"Archie don't be offended, and Monicha take it easy." sabi ni Mariannelle.
"Kalma lang guys, pag-usapan natin to ng maayos wag nating daanin sa init ng ulo."
Ang totoo niyan hindi naman talaga ako galit kay Monicha dahil dun sa sinabi niya kase tama naman lahat ang sinabi nito. Nagulat lang talaga ako kaya bigla akong nakatayo mula sa pagkakaluhod dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya yon sa'kin.
Since grade eleven ni minsan hindi niya ako pinagsabihan tungkol sa pagiging isip-bata ko, kahit pa nga ako ang pinaka panganay saamin, hinahayaan niya lang ako noon, and this is the first time na sinabi niya yon sa'kin kaya talagang nagulat ako.
"Ms. Elejador were fuming mad when she saw you leave just like that and what more? Sa harapan niya pa talaga ka dumaan na para bang pagmamay-ari mo yong daan at wala kang paki-alam kung sino man ang mabangga mo. Naisip mo ba ang pweding kahinatnan nitong ginawa mo? Alam mo na nga na mainit ka sa kanya dahil ikaw lang ang hindi nakakaintindi sa discussion niya, Ito ang ginawa mo. Paano kung ibagsak ka niya edi sira ang pag-aaral mo, ano ba naman Arcenith!"
Napayuko ako dahil sa nalaman. Nasobrahan na ang pagiging OA ko.
"I'm sorry, tsaka hindi k-"
"O sige, sabihin na nating Hindi mo siya nakilala dahil sa subrang nagmamadali ka kaya hindi mo sinasadyang balewalain lang siya. Alam ko kaseng yon ang idadahilan mo. Pero bakit kapa lumingon at tinignan siya ng masama nung tinawag ka niya? Paano mo mapapatunayang hindi mo sinasadya ang lahat kung ganun nalang ang galit sa mga mata mo habang nakatingin sa kanya? Archie naman e, paano kung dahil sa subrang galit niya sayo hindi ka maka graduate? Paano ka niyan makakapag tapos kapag nangyari ang ganun?"
Dala sa subrang inis na nararamdaman ni Monicha kaya hindi niya mapigilan ang mapa luha matapos niyang sabihin sa'kin ang nangyari kanina na kahit anong gawin kong pag-alala wala talagang pumapasok sa isip ko na nagawa ko yon.
Dahil ba sa subrang galit ko sa sarili ko kaya ganun nalang ang naging epekto nito sa'kin? Kaya pati si ms. Elejador natignan ko ng masama kanina? Pero shit talaga, bakit wala akong matandaan sa sinasabing ito ngayon ni Monicha?
YOU ARE READING
Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)
Fiksi Umum(BEST FRIEND SERIES#1) Turning eighteen and on her last year as a highschool student, Arcenith Demitrio thought about having a good time for herself. But this 'good time for herself' turns out to be stressful and roller coaster ride for her as she s...