Chapter Fourty One

25 1 0
                                    

Chapter 41



"Wala ka pa palang damit. Pahihiramin nalang kita ng damit ng kapatid ko." Simpleng sabi ko pagkapasok namin sa kwarto. Malamig ang kwarto. Tamang tama.

Hindi ito sumagot sa sinabi ko bagkus ay, "I think it's not right that we are in the same room, Nice. This is a bad idea. I should go to the guest room." Dinig ko ang panic sa boses niya. I mentally laughed at him. Natatakot kang matukso ka sa akin?

Ito naman kasi ang first time naming matutulog ng magkatabi. Dumadalaw at natutulog din naman siya sa bahay namin dun sa abroad, pero sa guest room kasi siya natutulog. Hindi sa kwarto ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Dito ka lang! Hindi ka lalabas! Dito ka matutulog! Tapos!" Singhal ko.

Tumahimik nalang ito at tinungo ang kama at humiga. Bumuntong hininga ito ng malalim. Umiling iling ito. "This is a really bad idea, Nice. Really bad."

"Tumahimik ka! Kanina pa ako inis sa'yo!"

Umupo siya galing sa pagkakahiga at binigyan ako ng nagsusumamong mukha. "Nice, please. Wag mo namang ubusin ang control ko. Niceeee!" Dinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya.

"Bahala ka! Basta dito ka matutulog! Tapos ang usapan!" Bago pa ito maka react ay lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kwarto ni Jethro para maki hiram ng sando tsaka boxers.

Wala si Jethro. Saan naman kaya ang kumag na iyon? Palaging lumalabas ah. Baka may girlfriend na talaga yun.

Pagkakuha ko ay bumalik na ako sa kwarto at nakita kong wala siya. Pero narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo siya.

Pasukin ko kaya siya sa banyo? Tingnan natin kung ano ang magiging reaction niya. Agad akong pumunta sa banyo at pinihit ang door knob. Napamura ako ng mahina ng malamang lock ito.

Nagpupuyos ang damdamin na umupo ako sa kama at naghintay nalang kung kailan matatapos si Caden. Maliligo din kasi ako. Ang lagkit na ng katawan ko.

At nakaka stress isipin na naka office uniform parin ako hanggang ngayon!

Pero si Caden. Mautak. Nang lock ng pinto para di ko siya pasukin! Mautak talaga.

Lumipas ang 15 minutes at lumabas na rin ito sa wakas. Para akong nalagutan ng hininga ng nakita itong walang suot sa taas at tanging maliit na tuwalya lang ang nakapulupot sa baba nito.

Alam kong lumuwa na ang mata ko sa nakikita ko. Ramdam ko na ang namumuong pawis sa noo ko. My boyfriend is so damn gorgeous.

Gusto kong pahirin ang mga tumutulong tubig sa perpektong abs nito gamit ang mga labi ko. Diyos ko! Gusto ko yun!

"Saan na ang hiniram mo kay Jethro?" Lumapit pa siya sa akin at naamoy ko ang mabangong amoy na nilalabas ng katawan niya. Napalunok nalang ako ng laway.

Wala sa loob na tinuro ko ang pinaglagyan ko ng sando at boxers. "Yan lang ang nahiram ko. Wag ka nalang mag brief." Sabi ko. Sinadya ko yun para madaling hubarin mamaya. Insert evil smile here.

Nagkibit balikat ito at akmang papasok sa banyo. Pero pinigilan ko siya. "Bakit ka pa papasok? Maliligo na ako! Dito ka nalang magbihis." Sabi ko sabay takbo papuntang banyo.

Naligo ako at sobrang kinuskos ang sarili ko. I decided. Gagawin ko ang lahat ngayon, maging isa lang kami ngayong gabi.

Hindi na uubra sa akin ang mga pagpapakipot niya. Alam kong konting push nalang, bibigay na siya. Damn!

Shit! Hindi ko man sinasadya pero wala akong nadalang tuwalya! At wala din akong damit! Kaya binuksan ko ang pintuan at dinungaw ang labas. Pinakita ko lang ang ulo ko.

Nakita ko si Caden na nakadapa sa kama at tulog na ata. "Cadeeee!" Eskandalosang sigaw ko.

Pinigilan ko ang mapahagikhik ng makita ang biglang pagbangon at pagtayo niya at luminga agad siya sa akin.

Bakas ang gulat sa mukha niya at ang pamumula ng mga mata nito. Nakatulog nga talaga ata. "Whaaaat? What happened?"

Napabuntong hininga nalang ako. Patutulugin ko nalang muna si Caden. Nakalimutan kong galing pala siya sa biyahe at pagod na ito panigurado.

Bakit ko ba nakalimutan yun? Di ko na siya tutuksuhin. Today. Bukas nalang. Makakatakas siya sa akin ngayon pero next time hindi na.

Kahit na ba sobrang hot niya sa suot niya. Kita ang mabalbon niyang legs. Shit. Stop na, Jenice.

"Pakikuha ng tuwalya please." Sabi ko. Nginitian ko siya para mawala yung panic o gulat sa mukha niya. Agad kong nakita ang pag aliwalas ng mukha niya at ang pagbuntong hininga.

Iniwas nito ang tingin niya sa akin at lumakad papuntang cabinet at kumuha ng isang tuwalya. Ibinigay niya ito sa akin ng hindi tumitingin.

"Thank you, Cade." Bulong ko sabay sara ng pinto. Agad kong binalabal sa katawan ko ang tuwalya at napasandig sa pinto.

Jenice, matutulog lang, okay? Hindi manunukso. Pagod si Caden. Kalimutan mo muna ang plano mo.

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng banyo at naabutan kong nakadapa ulit si Caden pero hindi na niya sakop ang buong kama. Nasa right side siya at mukhang tulog na nga ata talaga.

Di na namalayan na lumabas ako eh.

Napagpasyahan ko na dito nalang magbihis sa kwarto.

Di na ako pumasok sa banyo. What for? Wala akong pakialam kung makita ako ni Caden. I'm his, afterall.

Natapos nalang akong magbihis ay hindi parin ito natinag mula sa pagkakadapa. Madali talaga itong nakakatulog. Isang bagsak lang sa kama, knock out na agad.

Kaya nga basta gabi na, hindi na kami masyadong nagtitext. Buti nalang at di siya sobrang tulog mantika. Umupo ako sa kama at sinundot ang balikat niya. Walang response.

Humiga nalang ako sa tabi niya ng nakaharap sa kanya. Nakaharap din kasi ang maamo niyang mukha sa part ko.

Kitang kita ko ang matangos niyang ilong. Di ko napigilang i trace ito ng daliri ko. Hanggang sa napunta ang daliri ko sa mapulang labi niya. Napakagat labi ako at napapikit. I badly want to kiss him. Damn.

Bigla akong napaigtad ng naramdaman kong may kumagat sa daliri kong nakatungtong sa labi ni Caden.

Napadilat ako at nakita ko ang gising na si Caden na nakatingin sa akin habang kagat ang daliri ko. "Tulog na tayo, Nice? Lowbat ako." Malumanay na sabi niya.

Tumango ako at nginitian siya. Pinihit niya ang sarili niya para harapin din ako.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Agad niya akong dinukwang at hinalikan ang labi ko. Saglit lang iyon. I want to linger it more but I want him to rest. Kaya nagkasya nalang ako sa ganun.

"Goodnight, Nice. I freaking love you." Malambing na sabi niya sa akin. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga.

Hinahaplos ang puso ko sa kaseryosohan at kung gaano kalambing ang pagkakasabi niya sa mga katagang iyon.

Dumukwang rin ako at hinalikan ng mariin ang labi niya at agad ko itong pinutol.

Saglit lang iyon pero tinugon niya ako. Gusto kong mawalan ng ulirat, sa totoo lang.

Nginitian ko siya. "Goodnight. I freaking love you, Cade." Bulong ko sa kanya. Nginitian niya ako. Nakikita ko ang tenderness sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Lunod na lunod ako sa mga titig niya.

Naramdaman ko agad ang paghapit niya sa katawan ko palapit sa katawan niya at niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik at isiniksik ang sarili ko sa mga dibdib niya. Ramdam ko ang init ng singaw ng katawan niya. Ang sarap matulog.

Agad akong dinalaw ng antok at bago ako nakatulog ng tuluyan ay naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

Natulog akong may ngiti sa labi.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon