Chapter Thirty

39 2 1
                                    

Chapter 30

Jenice's Point Of View


        "Kainis ka naman eh! Ayaw ko nito! Yung isa dapat! Mahalay ang pinapasuot mo sa akin! Manyak ka, Cade!" Hinahampas ko siya. Tumatawa naman siya habang umiilag sa akin.


        Kanina pa niya ako iniinis. Nandito kami ngayon sa isang boutique. Bibilhan niya raw ako ng damit. First time kong malibre! Ayaw ko sana kaso nag iinsist siya eh. Ayaw ko namang tumanggi sa grasya, baka mabulag ako. Geh, palusot pa more, Jenice.

        Tatawa lang siya habang ako naman ay ngumunguso na sa kakulitan niya. "Kasi naman, pang manang ang mga sinusuot mo. Hindi yan pasado sa taste ng mga lalake! Kaya ka nilo- Okay nevermind."


        Napalingon ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata. "Tapusin mo yung sinabi ko. Wag mokong i nevermind dyan!" Kinurot ko siya.

        "Aray naman! Wag mo na isipin yun. Tsismosa mo ah? Ganun ba talaga pag may laman?" Nginuso niya ang tiyan kong maliit pa naman at di masyadong obvious.

        Nawala agad sa isip ko ang nakakaduda niyang pagputol sa pagsasalita niya. Napabuntung hininga ako at lumungkot ang mga mata. "You okay?" Bakas ang concern sa boses ni Caden. Sumagap ako ng hangin at ngumiti ng pilit sa kanya. "Oo naman." Sagot ko.

        Ipinakita niya ang dress na gusto niya na gusto ko rin kaya lang di ko kaya ang presyo at isa pa ay nakakaawkward yung tabas. Di keri. "I will buy this. Ako bibili, ako pipili. Dyan ka lang." At bago pa ako nakahuma ay agad siyang sumibat papuntang counter.


        Tumayo lang ako at yumuko para tumulala sa tsinelas ko. Gusto ko pa sana munang kalimutan kahit ngayon man lang ang problema ko. Ang pagbubuntis ko. Dahil ilang araw na akong umiiyak dahil dito. Pero hindi ko parin pala matatakasan kahit isang araw.


        Gusto kong umiyak ulit. Pero what for? Mawawala ba ang problema ko pag iiyak ako? Tama na yung mga araw na sobrang iyak ako ng iyak. Tama na yun. Ayoko ng dagdagan pa iyon. Nakakasawa ang umiyak.


        Kailan ko ba masasabi kay Kris ang kalagayan kong ito? Wala talaga kaming pagkakataon para magkita. Busy si Kris sa school works niya. At di naman ako pwedeng lumapit sa kanya. Hindi nagpaparamdam sa text. Kahit gusto ko na siyang puntahan sa condo niya ay ayaw ko naman. Ewan ko ba, maybe because of my mood swings? Gusto ko siya yung maghanap sa akin eh! Lagi nalang ba ako yung naghahanap ng paraan para magkita kami?

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon