Chapter Six

67 4 1
                                    

Chapter 6

Jenice's Point Of View

        Nagpatuloy silang nag chat ni Kris. Masayang masaya siya sa nangyayari sa kanilang dalawa. Ngayon pang nalaman niya sa sarili na naiinlove na siya sa lalaking ito. Willing siyang ma inspired araw-araw.

        Pero hindi niya akalaing..

        Kris: Can I get your number, if you don't mind?

        Paksheyt. Sobrang kinilig naman siya sa nakasulat. Enebeeeeeeee? Hahaha. Bakit niya gusto ang number niya? Ano? May gusto ba siya sakanya? Enebeyen. Kenekeleg ne nemen eng lele neye. Ihihihihi.

        Kaya ayun. Binigay niya naman ang number niya. Di niya kabisado yung number niya kasi once in a blue moon lang siya nagpapa load. Sino naman kasing pagkakaabalahan niya sa pagtitext, multo?

        Kaya inilabas niya ang kanyang tantararan taran... Nokia 3310. Oh di ba? Wag kayo. Original to. Mas mabuti pa kaya ang old original kesa sa touch screen na china phone. Hehehe. (Wag kayo, excuse niya lang yan kasi wala siyang pambili. Hahaha.)

I        binalik niya ang kanyang cellphone sa bulsa pagkabigay niya sa number niya.

        Kris: Thanks. Bye. See you in school tomorrow :*

        Impit siyang napatili. Kinagat niya ang kanyang labi. Todo na talaga to!

        Parang isang panaginip lang ang lahat para kay Jenice. Hindi siya kailanman nakatanggap ng atensyon sa isang tao lalo na sa isang sikat na tao! At take note, crush pa niya! Grabe lang talaga.

        Bumabaha ng blessings!

        Me: Okay. See you.

        Ayan. Kris logged out. Nag log out narin ako. Yung 10 pesos naging 20 pesos pa. Pero okay lang naman sa kanya. Sinwerte naman siya. Umalis na siya sa dun at umuwi na ng bahay. Malapit lang naman kasi sa kanila eh.

        Putek. May ulol pa siyang lalaking nakasalubong na may pakindat pang nalalaman. "Yuck lang ha." Bulong niya sarili. Napangiwi siya. Cannibal agad naisip niya ng nakitang kumindat ito sa kanya.

        Run walk run walk ang drama niya. Mahirap na. Baka ano pang gawin ng taong grasa na iyon sa kanya. Baka makapatay siya ng tao kung sakali.

        "Anak. Nandito kana pala. Turuan mo nga tong kapatid mo tungkol sa assignment niya. Alam mo namang wala akong alam sa mga ganyan. Tsaka tatapusin ko pa tong nilalabhan ko." Bungad ng kanyang Ina sa kanya sa pintuan.

        Nakonsensya naman siya sa nakita. Mahigit dalawang oras siyang nawala. Nakalimutan niyang tutulungan pa pala niya ang inay niya sa gawaing bahay. Galing ito sa pagtitinda ng isda tapos pag uwi ay tumatanggap pa ng labada. Mahal na mahal niya ang Inay niya. Kasi ginawa nito ang lahat kahit mahirap, mapakain lang sila ng tama. Pati ang kanyang Itay niya na isang construction worker. Wala ito sa bahay kasi nakadestino sa ibang lugar. 2 buwan pa ang balik. Kaya gagawin niya ang lahat, matulungan lang niya ang kanyang mga magulang. Sa abot ng makakaya niya.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon