Chapter Forty Six. One

33 2 0
                                    

Chapter 46.1

Jenice.


Yan ang natanggap kong text kagabi na ngayon ko lang nabasa. Lowbat kasi to kagabi. Unknown number siya kaya nagtataka ako kung bakit kilala ako nang nagtext?

Dinelete ko nalang ito at ipinasok nalang sa bulsa ang phone ko. Hindi ako mahilig mag entertain ng mga di kilalang numbers. Ano ako? Teenager?

Nilingon ko ang nag dadrive na si Caden na may pagalaw galaw pa ng ulo habang pinupukpok ng mahina ang manibela. Nagpapa music kasi tong isa. At parang sobrang saya ata ng gising niya kasi patawa tawa pa siya at sobrang enjoy sa ginagawa. Sinasabayan niya rin yung kanta.

He likes the band Maroon5. Addict siya sa mga kanta nila. Pati ako nagagandahan na rin dahil lagi niyang pinapatugtog. Pati ako nagugustuhan na rin tuloy sila.

~ Sugar, yes please! Won't you come and put it down on me?
I'm right here, coz I need.... Little love and little sympathy.
You show me good lovin, make it alright. Need a little sweetness in my life.
Sugar, yes please! Won't you come and put it down on me?


Nahihipnotismo nalang ako pag ganito yung mood niya. Na parang ang ganda talaga ng araw niya. Ang gwapo niya lang. Yung parang ayaw ko nalang tanggalin yung tingin ko sa kanya kasi sobrang gwapo niya. Parang yung paligid niya, nagliliwanag na rin dahil sa aurang ipinapakita niya.

"Cade... San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. It's 8pm na kasi. Wala pa nga kaming kain.

Napaisip ako, baka may surprise tong isa to sa akin. Baka nga. Ngayon na kaya ang anniversary namin. Remember? November. 12.

Pinagsuot niya kasi ako ng normal dress. Kaya nagsuot naman ako. Simpleng dress tong suot ko pero elegante parin akong tingnan. Para di naman ako alangan sa naka casual attire na boyfriend ko. Tsaka naka flats lang ako ngayon. Nakakapagod ding mag heels araw araw. Hindi rin ako nagmake up. Nag polbo lang ako at nag pink lipstick. Sabi niya simple lang daw e.

"Wag ka ng magtanong." Biglang sungit niya sa akin. Napanguso nalang ako habang nakatingin sa kanya. Akala ko ba good mood to?

"Tss. Nagpapahalik ka ba?" Sabi niya ng nilingon niya ko saglit tas humarap ulit sa daan. Mahirap na diba? Baka mabangga pa kami.

Napatawa ako sa sinabi niya. "Anong nagpapakiss? Assuming ka din e no?"

"Kunyari ka pa." Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Natatawa siya.

Umirap nalang ako sa kanya. Ganyan ka e.

Ang hilig mong makipag flirt sa akin through talking. Pero pag action na, nag ba back out ka. Isa kang malaking duwag.

Pinagkurus ko ang dalawang braso ko sa inis.

Lumingon nalang ako sa labas. Mga isang oras na rin ata kaming nag ba biyahe.

Ibang kanta naman ngayon ang tumutugtog sa kotse. Kumanta na naman ulit si Caden. Buti nalang talaga at di naman masamang pakinggan yung boses niya.

Kahit di talaga siya singer ay mapagtya-tyagaan na din naman yung boses niya.

Mahal ko to. Support ako syempre.


~ But I wonder where were you...
When I was on my worst down on my knees
And you said you had my back. So I wonder where were you...
When all the road you took came back to me...
So I'm following the map that leads to you...


Napakanta na rin tuloy ako.

Napalingon pa sa akin si Caden at nginitian ako. "Ganda ng boses mo, Nice. Boses bibi." Asar niya sa akin.


Nakatikim naman siya ng sapak sa akin.

Ngumiwi naman siya at tumawa ulit.

"Ikaw nga e. Boses baka." Irap ko sa kanya.

Humalakhak naman siya sa sinabi ko. "Mas grabe yang boses mo. Boses bibi na nga, boses palaka pa. San ka pa?" Tas humagalpak na siya ng tawa.

Napaingos nalang ako. Nakakaasar talaga tong lalaking to kahit kailan. "Ikaw naman boses kambing! Meeee Meeeeee!" Sinunod ko pa yung Meee ng kambing.

Mas humagalpak pa siya ng tawa dahil sa sinabi ko. "Ulitin mo nga? Yung meeeee part? Bagay na bagay sa'yo e." Hawak na niya yung tiyan niya habang pasulyap sulyap sa akin. "Di ka pala nagsabi na may talent ka rin pala sa ganyan, Nice." Mapang asar na sabi niya.

Wala talaga. Talo talaga ako. Bakit ko ba kasi sinunod yung Meee sound ng kambing? Ayan tuloy. Naasar na naman ako.

Nag asaran nalang kami hanggang sa nakarating kami sa isang resort. Hindi pa ako nakapunta sa lugar na ito. And ngayon lang nangyari na nagpunta kami sa isang resort ni Caden. Hindi naman kasi kami nagkakaroon ng sobrang time para makapaglakwatsa at mag relax.

"Tayo na." Sabi niya sabay labas ng sasakyan. Parang nagmamadali lang.

Bago pa niya ako napagbuksan ay nakalabas na ako sa sasakyan at inilibot agad ang paningin sa lugar. Bumalik siya sa likod ng kotse at may binuksan doon. May kinuha ata. Dalawang bag ang nakita ko. Bag ko yung isa ah?

Nakita ko ang malaking ngisi niya ng pumunta na siya sa tabi ko at nilahad ang kamay niya. Agad ko namang tinanggap ito. Hinigpitan naman niya ang hawak dito when he intertwined our fingers.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko ng nakangiti. Ang ganda ng lugar e.

"Bumisita lang tayo. Tara uwi na?" Asar na sabi niya. Kinurot ko siya sa balikat. "Ayus ayusin mo yang sagot mo!"

Umingos siya sa akin. Asar ata sa tanong ko talaga. Pero bakit na kyu kyutan ako sa kanya? Tsk. Aba di na ba pwedeng magtanong ngayon? Bawal na ba?

"Syempre, mag de date tayo! Ano pa bang gagawin natin dito?" Inirapan niya ako at hinila na papunta sa reception habang dala yung bags. Hindi na ako nag abalang kunin pa kasi alam ko namang kahit anong pilit ko, di niya iyon ipapadala sa akin e.

Nakipag usap siya sa receptionist. Ako naman ay ginala ang tingin ko. Walang masyadong tao. November naman kasi. What do I expect?

Hinila niya ako pagkatapos makipag usap sa receptionist. "Bukas pa tayo aalis dito." Sabi niya.

"Overnight?" Okay. Jenice. Parang ang bobo ata ng tanong mo.

Sumimangot na yung mukha ni Caden kaya pinutol ko na siya. "Oo na oo na. Overnight nga." Kaya pala may dalang bags. Pinaghandaan!

Pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang 3rd floor. Nakalabas naman kami agad ng magkahawak kamay parin kami. Pumasok kami agad sa isang kwarto.

Malamig ang kwarto. Nilagay niya yung bags sa king size bed. Ang ganda ng room!

Nang napaupo na ako sa kama, dun agad nag sink in sa akin na tabi kaming matutulog! Oh my god! Pabor sa akin ang langit ngayong gabi! Napangiti ako ng wala sa sarili. Matutupad na ba ang pinaka mimithi kong make love with Caden? Matutuloy na ba? Di pa man ay sobrang excited ko na.

"Anong nginiti ngiti mo dyan?" Agad tumambad sa akin ang malapit na mukha ni Caden na sinusuri ata ang mukha kong nakangiti. Nakakunot ang noo niya.

Agad ko namang hinalikan ang mapulang labi niya. Nang aakit na naman e.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon