Chapter Twenty Nine

40 1 0
                                    

Chapter 29

Jenice's Point of View

Dec. 18, 2009

        Tulala lang ako sa kwarto ko. I don't know what to do. Isang linggong mahigit na ang nakalipas pero hindi parin ako nakamove on.


        Buntis ako.

        Tumunog ang cellphone ko sa kinahihigaan ko. Kinuha ko ito na wala sa loob at nakita kong si Caden ang tumatawag. Sinagot ko ito.

        "Hello?" Bati ko.

        "Nice. Are you okay? Tagal na kitang di nakakasama sa school. Christmas party na mamayang hapon. Di kaba pupunta?" Tanong niya ng may concern sa akin.

        Napabuntung hininga ako. "Di ko alam. Di ata ako pupunta. Wala akong gana. Tsaka isa pa, wala akong pera. Alam mo naman ang kalagayan ko ngayon." I bitterly said.

        "You should go out sometimes, Nice. Wag kang magmukmuk. I'm here for you. Please, help yourself too. Masosolusyunan natin yan. Please, wag mo pabayaan ang sarili mo. Magkakaanak kana Nice."

        Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya, napaiyak ako. Ang bigat bigat ng puso ko. "P-puntahan mo ako dito, Cade. Please lang." Sabi ko sa kanya sa gitna ng mga hikbi ko.


        "Nice. Don't cry. Makakasama yan. Shit! San ba kasi ang putang kasintahan mo?! Pupuntahan na kita jan. I'll be there in fifteen minutes. Magpaalam kana sa mama mo. Aatend ka ng Christmas Party. Ako bahala sa'yo. Kalimutan mo muna ang problema mo. Okay? Magsasaya tayo ngayon."

        Hindi ko pa nasasabi kay Kris ang kalagayan ko. Ewan. Naduduwag ako. Hindi niya ako kinocontact. Hindi rin ako nagpaparamdam. Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Kris pag nalaman niyang buntis ako. Sasabihin ko din naman eh. Ngayon pang malapit ng mahalata ang tiyan ko. Ni hindi ko pa nasasabi kay Inay. Mabubuang na ata ako sa sobrang frustration.

        Papano na ang mga pangarap ko para sa pamilyang ito? Ngayon pang walang wala kami? Paano na ang pagpunta ko sa abroad? Paano ko ba sasabihin ito kay Inay? Paano? Ang daming paano.

        Bakit ba kasi ang tanga tanga ko pagdating kay Kris? Ba't ang tanga tanga ko? Bakit ba ako napanatag na di ako mabubuntis? Eh alam ko naman na sa sarili ko na hindi ako baog. Lalo naman si Kris!

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon