Chapter Fourty Two

25 2 0
                                    

Chapter 42

Kinabukasan ay maganda ang gising ko. It felt so good to sleep beside Caden's wonderful body. Parang ayaw ko nalang tumayo at gusto ko nalang ay forever nalang kaming nakahiga sa kama at nagyayakapan.

Nakaupo ako na tinitigan ang katabi kong si Caden na natutulog parin at ayaw pagising. Natapos na ako sa pagligo't lahat ay hindi parin siya gumigising. Kakain pa kami. Nakasuot na ako ngayon ng maiksing shorts at loose t-shirt. Sa bahay lang naman ata kami eh.

Habang nakatingin sa kanya ay di ko mapigilang pagnasaan ang boyfriend ko. Ang gwapo niya sa umaga. Maamo na nga ang mukha pag gising, lalo na ngayong tulog. Bukas ng bahagya ang mga labi nito at ang gusto ko nalang ay halikan ito.

"Come on, gising na." Niyuyugyog ko na siya kasi ayaw kong ma tempt pero walang effect. Hinahawi lang niya ang kamay kong yumuyugyog sa kanya. Ahh? Ayaw mo ha?

Piningot ko ang ilong niya ng malakas at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at kinagat ko ang ibabang labi niyang mapula. Kumalas naman ako agad bago pa maka react si Caden. Sorry pero naakit ako sa mapupulang labi niya.

Agad ang balikwas niya at ang paghawak sa labi niya sabay, "Arayyyy..." Kahit naka upo na ito ay nakapikit parin ito. Nakita ko ang pagmulat ng mata niya makailang sandali. Dumadaing pa din ito sa sakit.

"Ayaw mong gumising eh. Kakain na tayo." Sabi ko nalang ng natatawa. He's so cute with his face.

Nagulat ako ng padabog siyang tumayo at pumunta ng cr. Narinig ko ang lagaslas ng tubig at nahinuha kong naliligo siya. Napakibit balikat ako. Galit ata yun kasi ginising ko siya.

Ngayon lang nga kasi kami nagkasama sa isang kwarto hindi ba? I mean, ngayon lang kami natulog ng magkatabi.

Kaya di ko siya kabisado habang tulog. I conclude na hindi pala niya gusto ang ginigising kapag mahimbing ang tulog? Oh well. I should take note of that. Mag sosorry nalang ako mamaya sa kanya.

Konting lambing lang naman kailangan para maging okay na naman ulit kami. Sobrang mahal kaya ako ni Caden. At sobrang ganoon din naman ako sa kanya.

Nakaupo lang ako sa kama at naghihintay kay Caden na lumabas ng bathroom at di naman ako naghintay ng matagal kasi lumabas na din siya. Thank God at wala nang bakas ng annoyance o angriness sa mukha niya.

At as usual, nakakaakit na naman siyang tingnan. Hubad na talaga siyang maituturing kung hindi lang dahil sa tuwalyang nakabalot sa private part niya. Kulang nalang maglaway ako.

"Good morning, Nice." Sabi niya. "Nandito ka pa pala. Akala ko bumaba kana." Pagkasabi niya noon ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako ng madiin. Agad ko naman itong tinugon.

Ang bango niya! Pinisil ko ang braso niya. Pagkakalakas namin ay napakagat labi nalang ako.

"I waited for you para sabay na tayo." Matamis kong ngiti sa kanya.

Nginitian din niya ako. Napabuntong hininga ako sa sobrang relief. Akala ko talaga galit siya kanina. Hays.

"Wait lang. Mag bibihis lang ako. Hmm?" Kinurot niya ang pisngi ko at tumalikod na siya at kinuha ang hinanda kong damit na kinuha ko sa ama ko. Isang maong at isang polo. At syempre, briefs. Wala pang gamit yung brief.

"I can help you, you know." Tukso ko sa kanya. Baka kumagat.

Napalingon siya sa akin bago pumasok sa cr. Umiling siya at tumawa at tuluyan ng pumasok na ng banyo.

Napatapik nalang ako sa kutson dahil sa frustration. Ang pakipot talaga ng isang yun! Parang ako pa yung babae.

Lumabas na din naman siya agad sa banyo at ang gwapo lang niya.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon