Chapter Seventeen

37 1 3
                                    

Chapter 17

June. 16, 2008

Jenice's Point Of View



        Nakipagkita sa akin ngayon si Kris. Sa condo niya ako pinapupunta. May sasabihin daw siya sa aking importante.


        Di ko alam kung kakabahan na ba ako o ano? Ngayon lang kami magkakausap ulit. It's been weeks and ngayon ang monthsary namin. Simula narin ng klase namin.


        2nd monthsary. Ngayon lang siya nagparamdam sa akin ulit. Pakshet. Miss na miss ko na siya sobra. Kahit nakikita ko siya sa school, iniiwasan naman niya ako. Hindi ko nalang pinapansin para hindi maghinala ang mga classmates o ang mga schoolmates ko.


        Kung akala niyo ay umaksyon na ako agad nung araw na nakita ko siya na may kahalikang ibang babae, pwes, takte NAGKAKAMALI KAYO!


        Wala akong lakas ng loob para komprontahin siya. Walang wala. Wala rin akong lakas na loob para itext siya o kaya naman ay tawagan. Ewan. Baliw na ata ako. Peste.



        Tanga na kung tanga pero hindi ko siya makompronta! Ayaw kong marinig na magsisinungaling siya sa akin!


        Sino ba namang loko loko ang aamin sa kasalanan diba? Diba wala? Takte. Ang sakit talaga isipin na niloloko na niya ako. Pangalawang ulit na.

        Hoooooo! Kaya ko to. Baka kaya makikipagkita ngayon si Kris ay dahil gusto niyang bumawi sa akin.



        Jusko. Agad agad, papatawarin ko talaga siya. Wala ng tanong tanong.



        Baliw na nga talaga ako. Kahit harap harapan ko na siyang nakita na nambababae, kayang kaya ko parin siyang patawarin. Ganun talaga siguro pag mahal mo ng sobra yung isang tao.


        Na balewala nalang yung ginawa niya, basta nandito lang siya sa tabi ko. Nakikita at nahahawakan.


        Tsaka babaguhin ko narin ang sarili ko. Hindi na ako tatanga tanga na hayaan na agawin si Kris ng kahit sinong malantod na babae. Susubukan ko ng baguhin ang sarili ko.


        Akin si Kris. Ako ang original. Ako ang may karapatan kay Kris. Ako lang.

        Bumuntung-hininga ako ng malalim ng nandito na ako sa tapat ng pintuan ng condo ni Kris.



        Inayos ko ang suot ko. Nakasuot ako ngayon ng shorts, sleeveless at tsinelas lang naman. Bagong ligo din ako. Syempre, dapat mabango ang lola niyo. Diba? Sa suot ko naman, wala akong magaganda na damit. Kaya naghanap nalang ako ng damit na nagpapakita din naman ng kagandahan ng katawan ko.



        Nagsusuot naman ako nito, sa bahay nga lang. Di naman ako lumalabas ng nakaganito, kasi naaasiwa ako. Ayaw kong pagtinginan ng tao kaya hindi nalang ako nagsusuot ng mga ganito. Kaya ngayon, naaasiwa ako. Di na ako sanay na lumabas ng ganito talaga. Pero para kay Kris, kaya ko.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon