Chapter Thirty One

35 1 0
                                    

Chapter 31

Jenice's Point Of View



        "Ang tagal naman ni Caden!" Bulong ko sa sarili ko. 30 minutes na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Cr lang daw eh. Ahhh! Baka umeebak? Haha. Ano ba tong iniisip ko. Kakasuka. Kumakain pa naman ako ngayon. Ulit.


        Ahhh! Bahala na yun. Hahanapin ko nalang ulit si Kris. Sure kasi akong nandito siya eh. Feel ko talaga na andito siya.


        Pero bago pa ako naka tayo ay nakita ko na si Caden na papunta na sa kinauupuan namin. Umupo siya agad sa tabi ko. Kumunot ang noo ko.


        "Oh? Ba't nakakunot ang noo mo? At ba't gusot ang polo shirt mo? At ba't hinihingal at pawisan ka? Nahirapan ka ba sa pagpapalabas ng sama ng loob mo?" Pagbibiro ko pa. Parang ni rape ang porma eh.


        Hindi niya ako tinugon. Bagkus, tumayo siya at tiningnan ako ng seryoso. Napatingala ako.


        "Let's go home." Sabi niya at agad akong hinila palabas. Nagulat man ay hindi na ako nagpumiglas at nagpatianod nalang. O.a naman kasi pag magpupumiglas ako tapos 'Ano ba? Ba't mo ba ako hinihila? Don't touch me, stupid! You are hurting me!' Mga ganun ba? O.A much.


        Hinihila niya man ako ay hindi naman nakakasakit. Inaalala niya talaga ang kalagayan ko. So sweet.


        Nakalabas na kami sa gate at agad ng pumasok sa sasakyan ni Caden. I looked at him. Taas baba ang hininga niya at nakakuyom ang kanyang mga kamay ng mahigpit sa manibela. Shit?


        "What happened, Cade? Ba't bigla tayong umalis? The party is still going on?" Tanong ko ng sa wakas ay nakaalis na kami sa lugar. Pauwi na kami.


        Hindi niya ako sinagot at diretso lang siyang nagmamaneho. Binatukan ko siya. Napa aray siya. "Bakit ba?" Tanong niya ng nakakunot ang noo.


        "Ano ba kasing nangyari at bakit parang galit ka sa mundo?" Ngumuso ako at tiningnan siya ng matiim.


        Pinakitaan ko siya ng kamao ko. "Kung di ka sasagot, makakatikim ka sa akin!"


        Nagulat ako ng ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng pilyong ngiti. "E di hindi nalang ako sasagot. Makakatikim pala ako sa'yo eh. Gusto mo ngayon na?" Tas tumawa siya.


        Inambahan ko siya ng kamao ko. "Hoy hoy! Wag! Baka madisgrasya tayo!"


        "Ang manyak mo eh! Kanina ka pa!" Ngumisi nalang din ako sa kalokohan niya.


        "Ayus ayusin mo kasi mga words na ginagamit mo." Sabi niya.


        Umirap lang ako. Napaka nonsense ng pinag uusapan namin.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakahilera na ang sasakyan niya sa labas ng bahay namin.


Lumabas siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan sa pag labas. Sinarado niya naman ito pagkalabas ko. Di ko siya maiwasang punahin. "O.a mo ha?" Sabi ko. Kaya ko pa naman ang sarili ko ano!


"O.a na ba ngayon ang bestfriend mo?" Sabi niya at kinunot niya ang noo niya.


"Sus. Nagtatampo ka? Di bagay." Kinurot ko siya sa pisngi.


Sumimangot lang siya at inayos ang kanyang sarili. Gwapo parin.


"Pasok na ako?" Tanong ko.


Tumango naman siya. "Ipagpaalam mo nalang ako sa inay mo. Mauna na ako." Sabi niya.


"Sige. Ingat ka sa pag-uwi ha?"


Ngumiti naman siya sa akin ng matamis. "Syempre naman. Mag iingat talaga ako." Ginulo niya ang buhok ko. Hinayaan ko naman siya.


"Sige. Alis na ako. Bye, Nice." Umatras na siya at akmang pipihit na paalis. Pero hinawakan ko ang braso niya para patigilin.


Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. I lingered it for 3 seconds. "Thank you for being here, Cade."


Nakita ko ang pagkatulala niya sa mukha ko. Ngumisi ako. Tinulak ko siya. "Alis kana. Gabi na masyado!" Ngiti ko pa.


Siya naman ay nagpatianod sa tulak ko at tulala parin. Pagkaraan naman ay nawala na ang pagkatulala niya at naglakad na sa sasakyan niya.

Hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa bahay.


Napatampal ako sa noo ko. Putek di ko pala natanong si Caden kung anong nangyari kanina. Napailing iling nalang ako.


Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko. Walang text. Napabuntung hininga ako. Kris? Kailan ka magpaparamdam? Kris. Magkakaanak na tayo.


Sasabihin ko na sa kanya. Tama. Hindi dapat ako magpatagal tagal pa sa pagsabi at baka maudlot. Pero dapat special ang day na iyon.


Tama! Birthday ko ay Dec. 25 at pasko din iyon! Tamang tama. Sa araw na iyon ko sasabihin sa kanya ang kalagayan ko. At bukas naman pagkatapos ng christmas at birthday ko sasabihin kay Inay ito. Lord, give me strength. Hindi ko ata kayang sabihin kay Inay ang kalagayan ko.

Hindi ko paman nasasabi sa kanya ay parang mahihimatay na ako.



—-To be continued...

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon