Chapter Fourty Six. Three

3 0 0
                                    

Chapter 46.3

Parang nahipnotismo na napatingin si Caden sa katawan ko. Labas ang kaputian ko sa suot kong itim na two piece. May taste ang boyfriend kong pumili. Bagay na bagay sa akin.

"Huyyy!"  Niyugyog ko siya kasi parang na estatwa na siya e. Palibhasa hindi mo man lang ako hinuhubaran e! Kaya ayan tuloy!

Napatikhim naman siya at patay malisyang hinapit ako sa baywang at tumingin sa malayo. "Wag kang aalis sa tabi ko. Dito ka lang." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko. Idinikit pa niya ako sa gilid niya.

Yum! Nasa mukha ko na ang nipples niya! Abot kamay ko na rin ang abs niya! Ang bango pa niya! Hanggang kailan ba ako magpipigil dito?

Binaon ko ang mukha ko sa kili kili niyang mabango. Kinikilig na naman ako e. Di ko talaga mapigilang ngumiti.

Ang possessive niya lang. At sobrang ganda ko lang kamo.

Pumunta na kami sa swimming pool. Nilagay ko ang paa ko sa tubig. Sakto lang. Di masyadong malamig.

Tiningnan ko siyang nakahawak parin sa baywang ko at wala ata akong planong pakawalan. O sige na nga, dito nalang tayo at magyakapan. Parang ayaw ko nalang maligo.

Agad ko siyang hinila at sa isang iglap lang ay nahulog kami sa swimming pool! Nabitawan niya ako sa pagkabigla.

"Jeniceee!"  Sabi niya ng makaahon kami.  Di rin naman kasi masyadong malalim sa parteng binagsakan namin. Tatawa tawa lang naman ako na nakatingin sa kanya. Ang gwapo niya lang. Wet look.

Binasa ko siya ng tubig. Natatawa ako kasi pumikit pikit siya sa tubig na tumatalsik sa kanya. Hindi man lang din niya ako ginaganun. Hinahayaan niya lang yung tubig na pumunta sa kanya.

Napagod na rin ang kamay ko kaya lumangoy nalang ako palayo sa kanya. Sinundan naman niya ako kaya umiba ako ng direksyon. Pero sinundan niya parin ako.

Napasigaw nalang ako ng hinapit niya ang baywang ko at bumulong sa tenga ko. "Huli ka."

Nangunyapit ako sa leeg niya at hinalikan siya ng matamis. Sinuklian din niya ako. "Huli ka rin." Pilyang ngiti ko pagkatapos ng halik.

Humalakhak naman siya. Pagkatapos ay bigla siyang sumeryoso. Hinalikan niya ako ulit.

Ang kanyang kamay ay nasa aking ulo at idinidiin sa kanya at kanyang kanyang kamay naman ay nasa baywang ko.

It was a sweet kiss. Puno ng pagmamahal. Napapikit ako ng mariin sa sobrang sarap niyang humalik.

Habol ang hininga na kumalas kami sa isa't-isa. Nagtitigan lang kaming dalawa. His lips is swollen from the kiss. Kung pula na ito noon pa, naging mas pula pa ito ngayon.

"Nice." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Hmm?" Sabi ko na pinaglalaruan naman yung buhok niya. Nakapulupot parin naman kasi ako sa leeg niya. Dito lang ako.

"Lumingon ka."  Inginuso niya yung nasa likod ko at ngumiti siya pagkatapos.

Walang pagdadalawang isip na lumingon ako sa likod ko.

Parang hindi nag sink in ang utak ko sa nakikita ko at natulala talaga ako saglit.

Nang marealize ko na kung ano yun ay agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napakalas ako kay Caden at napaharap na talaga galing sa pagkakatalikod ko.

Agad akong napalingon kay Caden na parang kabado pero nakangiti parin. Bumalik ang tingin ko sa harapan ko at napatutop nalang ako sa bibig ko.

Agad bumuhos ang luha ko. Tumakas ang magkasunod na hikbi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon